CHAPTER 12
LOUISA'S
Maaga akong nagising. Napatingin ako sa alarm clock na nasa bedside table. It's only 6 am. Yesterday, was a complete chaos. Maraming kailangang ayusin sa buong lugar dahil sa mga nangyari kahapon.
I heaved a deep sigh when I felt a pain on my right foot. Sinilip ko ang sugat sa aking paa dahil sa pagkakabubog ko kagabi. Ginamot ko ito bago ako matulog kaninang madaling araw. Halos alas dos na ng madaling araw ako nakatulog kanina dahil hinintay ko pang makatulog si Kean. Speaking of Kean, I have to check on him. I also have to clean his room. That room was a complete mess.
Kaagad akong bumangon para makapag-ayos ng sarili at masimulan ko na ang paglilinis ng kabuuan ng bahay. Did I just called this place as a house? Napailing ako sa naisip ko.
Hindi ko dapat kalimutan na kailangan ko pa ring makaalis dito.
Akmang tatayo na ako mula sa kama nang madurog ang puso ko sa senaryong sumalubong sa akin. It is Kean lying on the floor in fetus position, sleeping so soundly. He looked like a kid, so fragile and broken. Oh, Kean.Bakit siya nandito?
Kaagad ko siyang nilapitan at tinapik sa balikat para gisingin. Makaraan ang ilang sandali, unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Puno ito ng pag-aalala at takot.
"B-bakit nandito ka, Kean? You should be sleeping in your room." pagkatapos ay tinulungan ko siyang tumayo mula sa pagkakahiga niya sa sahig.
"O-okay ka lang ba? M-may ginawa ba ako sa 'yo?"
"Wala kang ginawa sa akin." paninigurado ko sa kan'ya.
He heaved a deep sigh before he held his head. Halatang masakit ang ulo niya.
"Si KJ, hindi ko siya napigilang lumabas. He was maybe the reason why I am here. Good thing, he didn't do anything to you. I will never forgive myself if he did." at marahan niyang hinaplos ang buhok ko.
Nakaramdam ako ng kaba sa ginawa niya. Maaaring dala na rin ito ng takot ko sa isa niyang katauhan. I mean, they still have the same face.
"Huwag ka riyan matulog. Doon ka nalang sa kama ko kung gusto mo pa ituloy 'yong tulog mo." at inalalayan ko siya papunta sa aking kama para makahiga at makatulog.
"Gisingin mo ako ng bandang ala una. I have a meeting with Mr. Galliego."
Natigilan ako sa sinabi niya. Aalis siya ulit. Ito na naman ba ang oportunidad para makatakas ako? Pero paano si Kean?
Napatingin ako sa kan'ya. Nakapikit na ang mga mata niya. I sighed. Can I leave him with this situation? Ipinilig ko ang aking ulo bago ko siya kinumutan. Matapos no'n ay nagtuloy na ako sa may pintuan.
"Tatakas ka?"
Natigilan ako sa paglabas ng kuwarto dahil sa pahabol na tanong niya. Akala ko ay nakatulog na siya.
"Sa tingin mo iiwan kita sa demoniyong 'yon?"
Hindi na siya sumagot sa sinabi ko kaya nagpatuloy na ako palabas ng kuwarto. Sa ngayon, pareho na kami ng kalaban, at iyon ay si KJ. I just realized last night, after seeing Kean in that broken state, that he's sick and he needs help. No. He actually needs some saving. At baka kaya nagkrus ang landas naming dalawa dahil ako ang magliligtas sa kan'ya.
Sinimulan kong linisin ang kuwarto ni Kean. I bit my lower lip upon seeing how messed up the room is.
Ika-ika pa ako habang pinupulot ko ang mga basag na piraso ng mga sirang appliances sa loob ng kuwartong ito. I was almost half in cleaning the room when I saw a photo album. Mediyo likas talaga sa akin ang pagiging curious kaya natural na sa aking i-check ang photo album na iyon.Napangiti ako nang makita ko sa unang pahina ng photo album ang family picture nila Kean. Nandoon si Kean at tingin ko mga 18 years old siya sa larawang ito. May tatlong mga dalagita na kamukha ni Kean. I assume they are Kean's little sister. Dumako ang tingin ko sa matandang babae na inaakbayan ni Kean sa larawan. Maybe, she's Aling Selya, Kean's mother. Nalungkot ako ng wala roon ang tatay ni Kean.
'Katulad ka lang ng tatay ni Kean! Sinungaling! You're a fucking liar and a manipulative bitch! Hindi ko hahayaang maloko mo si Kean! Papatayin kita bago mo pa magawa iyon kay Kean!'
I sighed when I remembered what KJ told me when he almost killed me by strangling. Maybe, his father told him a big lie that's why he's not with them.
Inilipat ko sa kabilang pahina ang photo album. Napangiti ulit ako ng litrato naman ito ni Kean at ng mga kapatid niya. They look much younger compared to the first picture.
Sunod-sunod kong tiningnan ang bawat larawan. Mukhang masaya ang pamilyang kinalakihan ni Kean kahit na wala ang tatay niya. Nakakainggit.Naalala ko si Papa. Dumating ako sa point na nagtampo ako sa kan'ya dahil kami na nga lang dalawa, wala pa siyang oras para sa akin dahil sa trabaho.
Nasa huli na akong pahina ng photo album at labis na takot ang naramdaman ko sa aking nakita.
It's another family picture but this time Kean's father is part of the it. Nakakatakot ang picture dahil ang ulo ng ama ni Kean ay dinrawingan ng dalawang sungay habang ang kabuuan ng mukha ay shaded. Ang mga kapatid naman ni Kean ay gano'n din. Napaawang ang aking bibig sa ex na drawing na nasa mukha ng ina ni Kean. Habang si Kean naman ay may naka-label na "Bad".Si KJ kaya ang may gawa nito?
Kaagad kong kinuha ang litrato at itinago ko ito. Sasabihin ko ito kay Kean sa oras na magising siya.
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
General FictionFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...