CHAPTER 22
LOUISA’S
Naupo ako sa couch. Pagkagising ko kanina, wala na si Kean pero may nakahanda nang agahan para sa 'kin. I checked the doors, there’s no bombs anymore, but still all of it were locked. Wala pa ring pagkakataon para makatakas ako.
Naiwan ako rito nang mag-isa. Ayoko manood ng TV kasi for sure ako pa rin ang nasa balita. Baka makita ko na naman din ang tatay ko at magiging emosiyonal lang ako.
Kaya napagdesisyunan kong basahin nalang iyong journal ni Kristel. I need to know more. Mas nakakalito na ang lahat. At kailangan kong mag-ingat lalo na't nagiging malapit naman ako kay Kean.
Entry # 16
I saw KJ playing with Cassie. Akala ko no'ng una si kuya Kean, pero si KJ pala. He’s playing barbie dolls with Cassie and my sister was so happy. Simula nang mag-college si Kuya, hindi niya na napagtutuunan ng pansin si Cassie. But that’s understandable. Good thing, KJ is here. At least, Cassie don’t feel alone specially that I’m in college also.
Pinatulog ni KJ si Cassie no'ng tanghaling 'yon. Walang nakakapagpatulog kay Cassie bukod kay Kuya. I talked to KJ--- he told me, Cassie knows the difference between him and kuya and that made Cassie special for him. I’m happy that Cassie’s special for KJ.Napangiti ako dahil sa nabasa ko. Cassie lost his brother when Kean matured and went to college. But KJ came and Cassie found a brother in him. She got closer to KJ. Kaya siguro, nagagawang malaman ni Cassie ang pagkakaiba nila KJ at Kean. The same way with me. I saw the difference between the two--- one tried to kill me while the other one saved me.
Entry # 17
I failed on my last exam in genetics and it’s so disappointing. Iyong exam nalang na iyon ang pag-asa ko para masigurado ang uno sa course na iyon. Kuya will be disappointed for sure. Wala akong mapagsabihan ng mga sandaling iyon.
But KJ saw me crying. Akala ko si kuya iyon, natakot talaga ako. Niyakap ako ni KJ at sinabi niya ang pinakagusto kong marinig ng mga sandaling 'yon--- Lahat mabibigo pero ang isang kabiguan ay hindi kailanman magiging hudyat ng katapusan. Sabi niya palaging may pagkakataon para bumangon. Hindi raw mauubos iyon. If kuya Kean was just like before, for sure, he’ll say the same thing.Nag-angat ako ng tingin mula sa binabasa ko. Naalala ko ang mga larawang nakita ko sa photo album nila Kean. He seems so close with his sisters in every pictures. Pero mukhang mas bata sila sa mga larawan na iyon. Ayon sa mga isinulat ni Kristel, parang napakalaki ng pinagbago ni Kean mula ng tumuntong siya sa kolehiyo. Well, hindi naman na nakakapagtaka iyon. People start to see life in a more adult way in college, that’s why.
Entry # 18
KJ taught me the Dango song. It’s very funny. Sabi niya, iyon daw ang paboritong kanta ngayon ni Cassie. At kapag pinapatulog niya si Cassie, kinakantahan niya ng gano'n bilang lullaby. I heard Marga sang the Dango song earlier. I think Cassie shared the song to her. I’m happy. KJ is becoming a brother to me and Cassie. I thought we lost our brother when he entered the university. But he’s coming back, every other day. The thing is, I think kuya hates our closeness to KJ.Bigla akong naawa para kay Kean. Nagiging mas malapit ang mga kapatid niya sa isa niyang katauhan na hindi naman siya. Wala akong kapatid at hindi ko alam ang posibleng maramdaman ni Kean. Pero sigurado akong masakit iyon sa pakiramdam 'di ba? Kean might felt an outcast inside his family. Maybe that’s why, he hated KJ amidst of the good things he did for his family.
KJ was really good to Cassie and Kristel. Pero paano kung plano niya iyon para ilayo ang mga kapatid ni Kean sa kan'ya? Paano kung gusto niya lang agawin ang posisyon ni Kean?
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
General FictionFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...