CHAPTER 26
KEAN’S
Nagising ako dahil sa pag-ring ng cellphone ko. Kaagad kong kinuha ito para sagutin ang tawag.
“What’s the matter now?” aburidong tanong ko sa aking secretary na tumawag na naman sa akin kahit hindi oras ng trabaho.
It’s only 8 am and I don’t remember anything to do today for work.
“Sir, there’s a sort of letter of invitation that I received in the company’s email address. It’s from the investigation team of Galliego’s case. It’s summoning you for an interrogation.”
Nangunot ang noo ko sa sinabi ng secretary ko. From the investigation team of Galliego’s case? What the heck? I am part of that team for Pete’s sake!
“Anong kalokohan 'yan? I’m the in charged lawyer for that case! Bakit ako ngayon ang subject for interrogation?!” hindi ko napigilang tumaas ang boses ko na naging dahilan sa munting paggalaw ni Louisa na mahimbing ang pagtulog sa tabi ko.
Napakunot ang noo ko sa posisyon naming dalawa. Nakayakap siya sa akin at ramdam ko ang parehong hubad naming katawan sa ilalim ng kumot. Sumakit ang ulo ko nang sunod-sunod na bumalik sa akin ang mga alaala kagabi. We almost did it, didn’t we? Napailing ako. Nababaliw na talaga ako.
“Sir?”
“What did you say again?” at dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap ni Louisa sa akin para makatayo ako. Pinalitan ko ang aking puwesto ng unan.
“Do you want me to decline their invitation, sir?”
I heaved a deep sigh.
“Sino nagpadala ng email na 'yan?”
”It’s from the Chief Investigator, Joshua Diaz. It’s stated that your the primary witness for the explosion that occurred in your house. May ugnayan daw ang kaso ng pamilya ni'yo sa kaso ng pagkawala ni Ms. Galliego.”
Akala ko titigil na si Joshua sa pag-ugnay ng kaso ng pamilya ko sa kaso ni Galliego dahil sa iniwang pahayag ni Romero. Matigas talaga ang ulo niya kahit kailan.
“Decline it. I’ll be heading there anyway so that letter is not needed.” akmang ibababa ko na ang tawag nang may pinahabol pa ang sekretarya ko.
“The letter was signed by Mr. Galliego, Sir.”
Napapikit ako sa sinabi ng secretary ko. So, alam na ni Mr. Galliego ang plano ng Diaz na 'yon! This is getting more complicated.
Sinabi kong huwag nang tanggihan ang imbitasyon dahil baka ang pagtanggi kong iyon ay maging dahilan pa ng paghihinala sa akin ni Mr. Galliego. Napahilamos ako ng aking mukha. Sino bang niloloko ko? Alam kong naghihinala na sa akin si Mr. Galliego kaya niya nga pinayagan ang interrogation sa akin.
Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Kailangan kong bumuo ng plano. Hindi ako puwedeng mahuli.
Kumuha ako ng damit para magbihis. Akmang isusuot ko na ang long sleeves nang dumako ang tingin ko sa salamin sa na nasa aking harapan. Tiningnan ko ang kabuuan ng hubad kong katawan. My gaze darted to the kiss marks on my neck and on my chest part. This is crazy. I really let that naive woman leave marks on me. I’m not her territory. This is disgusting!
Napatingin ako sa babaeng mahimbing pa rin ang tulog sa kama. You’ll ruin me, that’s for sure. But I’ll make sure to ruin you first.
Matapos magbihis, nag-iwan ako ng note sa may bedside table telling her that I have an important meeting.
Inila-lock ko ang mga pinto nang sumakit ang aking ulo. KJ is trying to come out again. This personality is really getting out of hand.
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
General FictionFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...