CHAPTER 16
KEAN'S
"Ano na namang dahilan mong tukmol ka at tumawag ka na naman?!" nailayo ko ang aking cellphone mula sa tainga ko dahil sa pasigaw na sagot sa akin ni Marcus sa kabilang linya.
"Hoy! Hindi ako tukmol at mas guwapo ako sa 'yo," banta ko sa kaniya. "Kaya kung p'wede, tigilan mo 'ko sa pagsigaw d'yan!" ganting pagsigaw ko sa kan'ya.
"Ikaw 'tong sumisigaw!"
Napailing ako. This guy has the worst attitude ever. Hindi ko talaga gets kung paanong nagustuhan 'to ng pulis niyang girlfriend. Iniisip ko palang na nauto niya ang pulis na iyon sa kabila ng pagiging mafia boss niya ay kinikilabutan na ako.
"Kasama mo na naman ba 'yang girlfriend mong patola kaya ayaw mong magpaistorbo?"
"Oh! Alam mo naman pala. O sige na, ba-bye na Atty. Garcia!"
"Sandali!" at narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. Wala talagang pakisama ito kahit kailan. Palagi niyang inuuna ang babaeng iyon kapag magkasama silang dalawa.
"Ano ba kasing kailangan mo?! Ang epal mo talaga!"
"Mas epal ka! May itatanong lang naman ako!"
"Tsk. Sabihin mo na kasi! Ang haba na ng exposure ko sa istorya mo! May sarili rin akong love story dito!"
Napailing ako sa sinabi niya. Kaya mahirap mabaliw sa babae e. Literal na sa kanila iikot ang mundo mo. Pagkatapos, sasabihin pa nila na kahit kailan, hindi raw kaya magseryoso ng mga lalaki. Hindi lang nila alam na kapag ang lalaki nagseryoso sa isang babae, siya na hanggang dulo. Naniniwala rin naman kami sa habang buhay. Sadyang naninigurado lang kami. Kaya paiba-iba sa simula.
"Hoy Kean tukmol! Ano na?"
"A-ano bang gamot sa nilalagnat?" at napabuntong hininga ako nang bumaling ang tingin ko kay Louisa. Nakahiga siya sa kama at may nakapatong na basang tuwalya sa kaniyang noo. I don't know the right medicine or what to do to someone who has a high fever. Naalala ko lang na laging nilalagyan ng nanay at mga kapatid ko ang aking noo ng basang tuwalya tuwing may sakit ako. After that, I'm literally clueless.
"Nilalagnat ka?"
"Hindi. Si Louisa."
"Hoy! Bakit nilagnat 'yan? Aminin mo nga, anong ginawa mo sa kan'ya?" at kung kanina, pasigaw ang boses niya, ngayon ay pabulong na ito.
"Wala akong ginawa sa kan'ya! 'Wag ka nga mangbintang d'yan! Wala akong balak dagdagan ang kasong maisasampa sa akin sa oras na mahuli ako! Kaya ano ngang gamot? Saka anong kailangan kong gawin?" tanong ko habang pasulyap-sulyap kay Louisa. Namumula ang mga pisngi niya kaya natatakot ako baka malala na ang lagay niya.
Napairap ako sa hangin nang hindi sumagot si Marcus. Baliw talaga 'tong mafia boss na ito!
"Marcus? Nandiyan ka pa ba?"
I heard him heaved deep sigh on the other line. Then it was followed by his chuckles. Ano na naman kayang tinatawa nito?
"What happened?" Marcus chuckled. "Bakit ngayon tinitingnan mo na ang anggulo na posible kang mahuli sa kasalanan mo?"
I heaved a deep sigh. Wala naman akong balak na sabihin sa kan'ya ang pagkakasangkot ni Joshua sa kaso ko pero nadulas na ako.
"Si Joshua... siya pala ang pulis na kinuha ni Mr. Galliego. Ang gago nang tadhana 'di ba?"
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
Genel KurguFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...