Ikadalawampu't siyam na pagtanggi

1.9K 106 56
                                    

CHAPTER 29

KEAN’S


Nakipagkamay kaagad ako nang dumating si Dr. Cruz kasama si Marcus sa bahay kung saan ko tinatago si Louisa.

“Sa office tayo, Dr. Cruz.”

Tumango naman kaagad siya sa sinabi ko at nagpatiuna na sa office. Tiningnan ko si Marcus na prenteng nakapamulsang nakatayo sa may bukana ng living room. Nagkibit balikat lang naman siya. Halatang maraming problema ang gago dahil may malaking bilog siya sa ilalim ng mga mata niya at halatang walang maayos na tulog.

Nilingon ko si Louisa na nakaupo sa sofa at puno ng pag-aalala ang mga tingin niya sa akin. Nilapitan ko siya.

“Don’t worry. I’ll be okay.” at akmang hahalikan ko siya nang umiwas siya. Napangisi ako sa ginawa niya. Louisa changed these past few days. She seems so scared of me. Mukhang may nalaman siya.

Nevertheless, what she knew will not help her anymore. I am sure that KJ was dead already. Wala na siyang kakampi sa pagkakataong ito. Kaya ko pinapunta si Dr. Cruz para kumpirmahin na patay na nga si KJ.

“Bantayan mo ang babaeng 'to,” sabi ko kay Marcus bago ako naglakad papunta sa office ko.

“Akala ko ba okay na kayong dalawa? Bakit bumalik na naman kayo sa dati?” ikinatigil ko ang sinabi ni Marcus.

“Mukhang may nalaman siya.” at nagtuloy na ako sa paglalakad. Leaving Louisa and Marcus in the living room.

Pagkapasok ko sa office ay nandoon si Dr. Cruz at ang bahagyang naka-lean na swivel chair. Iminuwestra niya ang upuan at kaagad akong naupo do'n.

Kaagad niyang itinapat ang isang pendant at bahagya itong gumalaw. Direktang napatingin ako sa pendat na iyon at ilang minuto ang binilang nang tuluyan akong nawalan ng ulirat.



Hinihingal na napaangat ako mula sa pagkakasandal. Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Nasa office na ako. Huminga ako ng malalim at bumaling ang tingin ko kay Dr. Cruz na ngayon ay matamang nakatingin sa akin.

“Wala si KJ do'n 'di ba?” Dr. Cruz asked.

“W-wala… madilim lang do'n. Malungkot.” at nag-iwas ako ng tingin.

“Hindi ko na rin nakausap si KJ. Successful ang therapy mo, Kean.”

Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng sakit sa may dibdib ko dahil sa kumpirmasyong iyon ni Dr. Cruz. Dapat matuwa ako pero bakit nasasaktan ako?

“I’ll release the medical certificate, three days from now.” at may iniabot siya sa aking isang botelya ng gamot.

“P-para saan 'to?”

“Just to make sure.”

Napatititg ako sa gamot na hawak ko. Kakayaninn ko ba talagang tuluyang mawala si KJ?



LOUISA’S



Nang maisara nang tuluyan ang pinto sa opisina ni Kean ay nakahinga kaagad ako ng maluwag.

“Takot na takot?”

Napabaling ako sa nagsalita. Ang kaibigan ni Kean.

“S-sino 'yong lalaking iyon?” ngumisi siya sa akin. Lumapit siya at naupo sa sofa na inuupuan ko.

“Doktor sa utak. At kung itatanong mo kung bakit nandito siya, ito’y para malaman kung wala na nga ba talaga si KJ.” at sumandal siya sa sofa na inuupuan niya. Hindi nakaligtas sa akin ang malalim na buntong hininga niya.

The Other Guy InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon