CHAPTER 27
LOUISA’S
Ilang beses na ba akong tumingin sa orasan? Hindi ako mapakali. 'Yong mga nalaman ko sa journal ni Kristel ay talagang nilito ang puso at isip ko.
Kean was so gentle and good to me. How can someone who killed his own father could be like that? Naalala ko ang mga unang araw na nandito ako. Hindi kami magkasundo at talagang nasaktan ako ni Kean. However, upon knowing about KJ, my mind settled to a conclusion that it was KJ whose responsible with all those violent actions. Ngunit dahil sa mga nalaman ko… That conclusion is nonsense.
I need to hear everything from Kean.
Bakit ba kasi ang tagal niya dumating? It’s already 9 PM.
Ilan pang minuto ang hinintay ko nang may narinig na akong busina ng sasakyan. He’s here.
Naupo ako sa sofa at naghintay kay Kean. Kanina ko pa iniisip kung paano ko sisimulan ang pagtatanong ko sa kan'ya. Mabilis ang tibok ng puso ko at talagang kinakabahan ako.
“Linda?”
Napatayo kaagad ako dahil sa naging pagtawag sa akin. Kaagad kong nilingon ang bagong dating. Kapeng mga mata. Si KJ ito at hindi si Kean.
“N-nasaan si Kean?”
Ngumiti siya sa tanong ko 'tapos ay dumiretso sa pag-upo sa sofa.
“Masiyadong nakakastress sa trabaho ngayon. Hindi kinaya ni Kean. I have to take over.”
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni KJ.
“Kailan babalik si Kean?”
“Linda, naging okay ka lang ba nitong mga nakaraang araw na wala ako?” kaswal na tanong niya habang niluluwagan ang suot niyang neck tie.
“KJ, sagutin mo ako. Kailan babalik si Kean?” natigilan siya sa ginagawa niya at bumaling sa akin.
“Mukhang okay ka naman pala. Sorry kung natagalan ako bago bumalik.”
I sighed with what he said. Wala siyang balak sagutin ang tanong ko. Don’t tell me he have no plans on letting Kean to come back again. I need Kean not him. Marami akong kailangang itanong do'n sa tao. Kailangan ko ng kalinawan sa mga nalaman ko at sigurado kong si Kean lang ang makakakumpirma no'n.
What’s written on Kristel’s journal is enough to tell me that Kean is evil. But my heart just couldn’t believe it. The goodness he showed me is enough to give him the benefit of the doubt.
“Sabihan mo nalang ako kapag nandiyan na muli si Kean. Magpapahinga na ako,” at hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Sa halip ay nagpunta nalang ako sa kwarto ko.
Pabalibag akong nahiga sa kama at malalim ang naging buntong hininga. Napatitig ako sa kisame at di talaga mawaglit sa isip ko ang tungkol sa mga nalaman ko. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko 'yon nalalaman.
“Bahala na nga! Siguro naman alam 'yon ni KJ.” at kaagad akong bumangon mula sa pagkakahiga.
Lumabas ako ng kwarto para hanapin si KJ. Wala siya sa sala o sa kusina. Wala rin siya sa kahit alin do'n sa mga kuwarto. Napansin kong bukas ang opisina ni Kean. Nandoon si KJ.
Kaagad siyang nag-angat ng tingin sa akin pagkapasok ko sa opisina ni Kean. Halata ang gulat sa kan'ya habang kumakabog naman ng malakas ang dibdib ko. Alam kong ikakagulat ko ang malalaman ko. Kailangan kong ihanda ang sarili ko.
“Akala ko matutulog ka na? May kailangan ka ba, Linda?”
Huminga ako ng malalim.
“Sino ang pumatay sa inyong dalawa ni Kean sa tatay nito?”
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
Fiksi UmumFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...