CHAPTER 24
LOUISA’SN
atigilan ako sa ginagawa kong paghihiwa ng carrots. It’s Kean’s birthday today. Pagkagising ko kanina, kaagad kong pinuntahan si Kean sa kaniyang kuwarto para sana batiin siya pero wala siya. Mukhang may kailangan siyang gawin para sa trabaho--- which is about my case by the way. Iyon lang naman madalas ang dahilan kung bakit siya umaalis. Nag-iwan din siya ng agahan para sa akin.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kusina. Ingredients are all over the place. Kaunti lang ang mailuluto ko dahil iyon lang naman ang nasa refrigerator.
I am not sure why I am so excited preparing for Kean’s birthday. Siguro dahil naawa ako sa kan'ya kasi ito ang unang pagkakataon na wala na siyang makakasama upang i-celebrate ang birthday niya. Kaya gusto ko siyang samahan para hindi siya maging malungkot sa mahalagang araw na ito. Napailing ako sa naisip ko. Sino bang niloloko ko? Kaya ko siya gustong isurprise para sa birthday niya kasi mahalaga siya sa akin. Kahit ilang beses ko pang itanggi, alam kong nagkaroon na siya ng espesyal na lugar sa puso ko.
Itinuloy ko ang paggagayat sa carrots. Balak kong hiwain muna lahat ang mga ingredients 'tapos mamaya ko pa lulutuin. Hindi ako gaanong marunong sa mga gawaing bahay pero marunong ako magluto. That’s one thing I really tried to learn.
Isa pa, alam kong masiyadong stressed si Kean sa mga nangyayari. I want this day to be less stressful if that’s possible.
KEAN’S
Joshua called me again and told me I have to be present for today’s interrogation. Ni hindi ko alam na may witness na naman siyang balak iinterrogate sa araw na ’to. We’re literally investigating Louisa’s case separately and I don’t like it. Hindi ko nakokontrol ang mga ginagawa niya. Katulad nalang ngayon.
Sandali akong natigilan sa nakita kong tao na nasa loob ng interrogation room. It’s Roberto Romero, the assigned judge for Angelique’s case. Nag-iinit ang ulo ko dahil sa pagpipilit niyang pagdutungin ang kaso ni Angelique at Louisa. He’s really a smart ass police officer.
Huminga ako ng malalim at pumasok ako sa loob ng interrogation room. Nakangising sinalubong ako ni Joshua. I really want to punch him on the face to wipe that wide grin of his.
“I haven’t started the interrogation yet. Gusto ko kasi talagang nandito ka, Atty. Garcia,” salubong niya sa akin.
“I wonder why my presence is so important for this. Ni hindi mo nga pinaalam sa akin ang tungkol sa witness na ito, Officer Diaz,” I responded smugly as well. Pero hindi ko napigilan na kumuyom ang mga kamao ko dahil sa sarcastic na boses niya. I really want to punch this guy.
Nilingon ko si Mr. Romero na nakaupo at malaki rin ang ngisi sa mga mukha nito. He is enjoying this, isn’t he?
“Pakiramdam ko magkaaway kayo. Hindi ba't dapat ay magkatulong kayo sa kasong ito ni Galliego?" mapaglarong tanong niya.
“Hindi ko nga rin sigurado, Mr. Romero. Pakiramdam ko rin kasi hindi talaga ako gusto ni Atty. Garcia,” Joshua said before he tilted his head to the side.
“'Wag na tayo magplastikan dito. Hindi natin gusto ang isa’t isa,” ani ko bago naupo sa upuang nasa gilid ng silid katulad no'ng nakaraang beses na nandito ako.
“You will not participate in this interrogation again?” nanghahamong tanong sa akin ni Joshua. Nginisian ko siya.
“I don’t understand Romero's connection in Galliego’s case. Kaya bahala ka riyan.”
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
Ficción GeneralFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...