CHAPTER 18
KEAN'S
"Simulan mo na ang pagtatanong, Louisa," seryosong pagsisimula ko.
Nandito kami ngayon ni Louisa sa gitna ng living room. Nakaupo sa lapag at tanging ang center table lang ang naghihiwalay sa aming dalawa. I sighed upon seeing the fear and confusion in her eyes.
Sa loob ng halos isa't kalahating linggo na magkasama kami sa bahay na ito, nakita ko ang pagiging mas komportable niya sa akin. Nakita ko ang pagbabago ng pagsasama namin. Hindi na kami nag-aaway at hindi ko na siya muling nasaktan pa. And that's a good thing, right?
Kaya naman nang hiningi niya ang pag-uusap na ito habang kumakain kami ng hapunan kanina ay pumayag ako. Alam ko sa aking sarili, hindi ko pa siya lubusang pinagkakatiwalaan. Pero hindi ko rin naman maitatanggi na mas gumagaan na ang loob ko sa kan'ya. At sapat na iyon para ipakilala ko si Kean gano'n din si KJ. After all, this is a great way for me to earn her trust.
She sighed before her gaze lowered to the floor. Bilang abogado, alam kong nahihirapan siya kung paano sisimulan ang pagtatanong sa akin. Mukhang sa dami ng tanong niya, hindi niya na alam ang uunahin.
"Kumusta ka?"
"Ha?"
I was speechless with her first question. Because of so much confusion, I couldn't help the deep frown that was etched on my face. She blushed with my reaction and that's enough for me to laugh.
"'Wag mo 'ko tawanan! Kean naman e!" at hinampas niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa na tanging pumapagitna sa amin.
I stopped laughing but in exchange of that I held her hand. Sinubukan niyang alisin ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko pero mas hinigpitan ko iyon. Ngayon, magkahawak na ang mga kamay namin at nakapatong sa mesa. She blushed more and that made her so cute.
"You don't have to be so nervous, Louisa. You can ask me anything. I promise I will not be angry."
She exhaled heavily before finally meeting my gaze. She stared intently at me.
Sa tuwing tinitingnan ko ang mga matang ni Louisa, palagi pa rin akong napapaisip kung paano niya ako nakilala mula kay KJ. Dahil sa mga tingin na 'yan, madalas sabihin sa akin ng puso ko na magtiwala ako sa kan'ya. Pero hindi ko magawa. Bilang abogado, marami na akong nakilala na ginagamit ang kanilang mga mata upang mapagtakpan ang mga kasinungalingan nila. Hindi ko maalis na baka tulad lang siya ng mga taong iyon. Maaaring nagsisinungaling lang din siya sa mga magagandang ipinapakita niya sa akin.
"Kailan mo unang beses na nakilala si KJ? Paano?"
Mabilis na bumalik ang mga alaala ko kung kailan ko nga ba nakilala si KJ. Kung paano ako iniligtas ni KJ no'ng araw na 'yon mula sa tuluyang pagkasira.
"I met him when I was 14 years old. He's my soldier. He saved me, Louisa."
She didn't say a thing but she held my gaze---telling me to go on to my story. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano niya kagustong marinig ang kuwento namin ni KJ.
This is weird.
When I told my mom about KJ, she scolded me. My mom warned me that if I don't stop telling stories about KJ, she'll bring me to a mental hospital herself. Pero ang babaeng ito, pinaniniwalaan niya ang existence naming dalawa ni KJ.
"That was the time, when my dad left us for having his issues. He told us that he's too tired for our family. Sabi niya, gusto niyang unahin ang kaniyang sarili. Napagod siya at iniwan kami. Ang labo. Kasi malinaw sa ala-ala ko na nangako siyang gagawin niya ang lahat para sa pamilya namin. He lied to me, Louisa. He's a devil for leaving us---for leaving me."
BINABASA MO ANG
The Other Guy Inside
General FictionFICTITIOUS PSYCHOLOGY SERIES #1 One night, Kean Jay Garcia, a reputable lawyer, committed a crime and was witnessed by the sole heiress of Galliego Group Corporation, Louisa Linda Galliego. To keep his reputation clean and untainted, Kean was willin...