Ikalabingsiyam na pagkilala

2K 115 115
                                    

CHAPTER 19

LOUISA’S


“Yes. Kahit anong impormasyon lang ang ibigay mo para masabi lang na ginawa ko ang hinihingi sa akin ni Mr. Galliego.”

I am watching Kean while he’s seriously talking on the phone. Akala ko aalis siya at lalayo bago sagutin ang tawag na iyon. But he actually stayed. Sa harap ko siya nakipag-usap sa telepono.

Nandito kami sa living room. Nasa kalagitnaan kami ng pinapanood namin na pelikula nang dumating ang tawag na iyon. Obviously, it’s about my case.

“Ingatan mo lang ang mga impormasyon. Kilala mo si Joshua. Mautak ang lalaking 'yon.”

Tango lang ang mga naging response ni Kean sa kausap niya bago siya nagpaalam. Itinago niya kaagad ang cellphone bago bumaling sa akin.

“It’s about your case, by the way. I asked Marcus to provide information that can ruin the investigation.”

Hindi ko alam ang dapat na maging sagot ko sa sinabi niya. Bakit niya pa kailangang sabihin na sinisira niya ang imbestigasyon para sa paghahanap sa akin? Alam niyang hindi iyon nakakatuwa para sa akin.

“Nagagalit ako dahil sa ginagawa mo, Kean,” seryosong sabi ko.

Malungkot ang ngiti na ibinigay niya sa akin. Lumapit siya at lumuhod sa harapan ko na aking ikinagulat talaga.

Kung si KJ 'to, malamang sinaktan niya na ako dahil sa mga sinabi ko.

“I’m sorry. Desperado na ako Louisa. Sana dumating ang panahon na mapapatawad mo rin ako.”

Tuluyan na siguro talagang lumambot ang puso ko kay Kean dahil sa kaalaman na may internal struggles siya mula sa existence ni KJ. Galit ako sa kan'ya pero napapalitan ito ng awa para sa kalagayan niya.

“Kean… nagagalit ako dahil ako ang agrabyado sa mga ginagawaa mo. Pero naiintindihan kita. Hindi ko nga lang sigurado kung kailan kita mapapatawad.”

Napayuko siya sa sinabi ko at iniwas ko ang aking tingin sa kaniya para hindi ko siya yakapin. Naawa ako marahil kaya ganito na ang affection na nararamdaman ko para kay Kean. Ang ikinakatakot ko lang ay baka matakpan ng awa ko ang hustisya na dapat kong ipaglaban para sa sarili ko at sa babaeng napatay niya no'ng gabing iyon.

“Matulog na tayo. Sorry kung nasira ko ang gabing 'to, Louisa.”

Pinanood ko siyang umakyat papunta sa kaniyang kuwarto. Habang naiwan naman ako sa sala at ipinagpatuloy ko ang pinapanood namin ni Kean kanina bago pa man niya matanggap ang tawag na iyon.

Tatlong gabi na ang nakakalipas mula no'ng makapag-usap kami ng masinsinan ni Kean tungkol kay KJ. Tatlong gabi na rin ang nagdaan na hindi lumabas si KJ na sumira sa aking hinala na sa tuwing natutulog si Kean, siya’y gigising naman na si KJ. Mukhang may nagtitrigger sa paglabas ni KJ.

Naging mas malapit ako kay Kean dahil mas nagkasundo kami. Hinayaan ko talaga ang sarili kong makilala siya. Pero sa pagkakaungkat ng ginagawa niyang paninira sa imbestigasyon upang mahanap ako ay  hindi ko mapigilang magalit sa kan'ya.
Hindi ko na naintindihan ang mga sunod na mga nangyari sa pelikulang pinapanood ko dahil sa malalim kong iniisip.

“Matulog ka na. Masiyado nang late.”
Nawala ako sa malalim kong iniisip at napatingin ako sa nagsalita. Saglit akong natigilan sa lalaking nakapamulsa at nakapuwesto sa gilid ko. Tulog na si Kean. It’s KJ.

“Ang tagal mong nawala.”

Ngumisi siya sa sinabi ko at tumabi siya sa sofa na aking inuupuan.

The Other Guy InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon