MUSIC SCORE

251 18 4
                                    

A Minor, A Flat, C Sharp, Hmm Pamilyar ba?? Mga Chords yan, Eh kung Do Re Mi Fa, Ayan naman ang mga Notes.

So Ayun na nga Ako nga Pala si Renz, 3rd year College Obvious naman diba? Music Student sa Kilalang Universidad dito sa Pinas. Halos araw araw ng Buhay ko Nakadayukdok palagi sa Piano, Ehem Hindi Normal yun.
Minsan nga weird na sa Pakiramdam na habang naglalakad ka at may nakasalpak na Earphone sa Tenga mo tapos Puro Obra ni Chopin, Ni Mozart, At ni Beethoven ang nag Play, Hayyst eh wala eh pinanganak na ata akong Ganito.

Isang Araw habang Break time, "Dude Anu Pwede ka Ba ngayon?? Tara sa bahay ni Anne,, isang Malakas na Hampas sa Likod ko na Galing sa Friend kong Chikboy na si Kevin, "ah Pass muna Ako Need ko pang Tapusin ang Lahat ng Ginagawa ko (siyempre tungkol na naman sa Musika) " Mokong puro ka Musika kamukha muna si Mozart, Tignan mo ang Lamlam na ng Mata mo, At Halos Hindi mo na naayos sarili mo," pang aasar na naman na Galing sa Kaibigan kong si Kevin. Siyempre hindi talaga nawawalan ng Pang aasar sa akin tong Kaibigan ko na to. "naku Bahala ka basta ako May Gagawin pa ako." dedma lang ang Peg ko beshie ay Wait!! I mean Hinayaan ko na lang siya.
(Riiing Riiing) so ayun ang Hudyat na Tapos na ang Breaktime ko, na naubos lang din sa walang kapararakan, samantalang habang tinutungo ko ang daan papunta sa Music Room, Blag!!!! Isang Malakas na Kalabog ang umalingawngaw sa tenga ko. Galing sa Kabilang Room, Napatakbo ako para tignan kung ano ang dahilan ng malakas na kalabog na yun.
Nakita ko ang isang hindi katangkarang babae na Nakaupo sa Sahig na sa madaling salita mukhang Nadulas. "Miss Ok ka lang ba,? Siyempre kunwari Concern na tanong ko pero sa totoo lang wala naman ako talagang pake. "Bulag ka ba mukha ba akong Ok? May utak ka ba? Malakas na Sigaw niya na Halos pumasok sa kaloob looban ng tenga ko. "Wow Buti nga kinamusta ka pa, Ang taray mo ah. Siyempre hindi ako patatalo. "Sino bang may Pake? Bulyaw na naman niya na nagmamadaling tumayo at tumakbo paalis.
Sa totoo lang nasira ang mood ko sa pangyayaring iyon. "akala mo kung sino siya, Close ba kami para Magkaganun siya Hayyst mga babae talaga hindi mo maintindihan minsan ay! Teka Hindi pala minsan palagi."

Sa wakas narating ko din ang Music Room at dahil nga sa Babaeng yun ako ay na Late ng 15mins sa Class ko hindi ko talaga siya mapapatawad." (insert Demonic Sound)
Sumalubong sa akin ang professor ko na Halos Tatlo na lang ang buhok sa tuktok, "Mr Diaz (nga pala yan apelido ko) alam mo naman ang ginagawa ko sa hindi nagseseryoso sa klase ko?? Palagi niyang linya yan kapag may late sa klase niya. "Sir sorry po may nangyari lang talaga pero halos malapit na ako dito sa room" depensa ko. "ganun ba? Sige Dun ka muna sa labas at wag ka muna Pumasok sa klase ko kailangan mo magtanda." halos pagsakluban ako ng Music Sheet sa narinig ko. "Sir Wag naman Hindi na ako uulit." siyempre kailangan mag makaawa. I said Out!!! Ayoko sa studyante na hindi seryoso." pangangaral niya na naman.
Wala akong magawa kung hindi sumunod. Lumabas ako sa Pinto at mukhang kawawang bata na nakatingin sa mga Classmates ko na nasa Loob, pero teka Sandali!! Parang may Pamilyar sa Loob ng Kwarto, Nakaupo malapit sa upuan ko, Hindi pala malapit kundi katabi ng upuan ko. "Class Meron nga pala kayong bagong Makakasama sa klase ko." (halos Lumuwa mata ko at mangalit ang mga ngipin ko? Wait anu pala yung mangalit?? Sobrang Lalim na tagalog yun ah, anyway, "Mula ngayon siya ay Magiging Klasmeyt niyo sige Iha magpakilala ka sa kanila."
(tumayo ng marahan ang Babaeng panibagong kaklase namin.) ako nga pala si Eri Rose Ledesma or you can Call Me "Eri for Short. 19 Years old from Manila. (applause) teka Kaya pala kanina Nung nakita ko siyang Nakaupo dahil sa Pagkakadulas may hawak siyang isang malaking Folder, Music Score pala yun.

MY MELODY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon