Ang araw na iyon na makasama si Eri ay naging especial sa akin, samantalang habang naglalakad ako pauwi, isang babae ang nasa Harapan ng bahay namin, tila may hinihintay siya,
Excuse me!! May hinahanap ka?
Kate:
Renz? Hay salamat at nakauwi ka na mga 25mins na akong naghihintay ditoRenz:
Kate? Anong ginagawa mo dito,? At paano mo nalaman na dito ako nakatira?Kate:
Ah, kay Kevin, Kinulit ko kasi siya(ano? Kay Kevin? Nakapagtataka na itinuro niya kay kate ang bahay namin)
Renz:
Ganun ba? Halina sa Loob, at baka lamigin ka ka pa jan.(medyo nagtataka talaga ako kung bakit pumunta si kate sa bahay ng ganitong oras, samantalang pagpasok namin sa loob ng bahay)
Kate:
Aba aba medyo ok pala dito sa bahay niyo, medyo mukhang panahon pa ng kastila ang style.Renz:
Ah ou, sa Lola ko pa kasi ito, sabi nga ng mga kapitbahay namin madaming mga kastila ang bumibisita dati dito sa bahay na ito, kapag may mga pagdiriwang dito daw idinadaos.Kate:
Wow Nice, sikat pala ang pamilya niyo. By the Way bukas na pala ang Piano Competition niyo, anu nararamdaman mo?Renz:
Medyo kinakabahan, kasi ito ang unang Competition na sasallihan ako isa pa, hindi din basta basta ang mga makakalaban ko.Kate:
Anu ka ba! Kaya mo yan, normal lang naman ang kabahan, pero dapat mag Focus pa din sa piyesa.Renz:
Tama ka naman dun, ah alam ko na!! Gusto mo marinig natapos ko na ang piyesang MY MELODY,Kate:
Talaga? Sige sige parinig naman ako(halata sa mukha ni kate na Excited talaga siyang marinig ang Piyesa)
Renz:
Sige dun tayo sa Sala nandun ang Upright Piano namin.(dali dali kaming nagtungo ni Kate sa Sala, mapapansin na maputla at nangangalumata si Kate kaya hindi ko naiwasan na magtanong)
Renz:
Kate? Ayos ka lang ba? Kasi mukhang maputla ka,Kate:
Ayos lang ako, anu ka ba? Hindi ka ba sanay sa akin? Maputla talaga ako Hahaha pero Cute pa din diba diba?(nakuha niya pa talagang magbiro, pero isa ito sa nagustuhan ko sa ugali ni Kate ang palabiro)
Renz:
Oh sige, wait lang kuhanin ko lang yung piyesa, dito ka maupo sa Sofa,(bakit parang nangyari na ito? Ganitong ganito nung huli kong tugtugan si Lola sa sofa din na iyon siya naupo, habang kinukuha ko ang piyesa, sinulyapan ko si Kate mula sa malayo, napansin ko na sobrang tahimik niya pero bahagyang nakangiti ang kanyang mga labi, bakas sa mukha niya ang saya.)
Kate:
Tagal naman!Renz:
Haha eto na, basta jan ka lang at manood.Kate:
Sige Gandahan mo ah, dapat parang makakatulog ako.Renz:
Sira! Walang tuluganKate:
Joke lang.(tinungo ko ang upright piano, umupo sa harapan nito at ipinatong na ang piyesa, gagalingan ko ang pagtugtog. Lalo na at nandito ang babaeng nagbukas ng pinto para iangat at magkaroon ako ng tiwala sa sarili, para sa iyo ito Kate)
Hinanda ko na ang aking sarili sa pagtugtog na iyon, inaapak ang aking paa sa pidal, at nagsimula ng tumugtog,
Ang "MY MELODY" ay hango sa aking buhay, at indinaan sa napakagandang musika at nota, ang First measure ay maihahambing sa isang natutulog na emosyon, habang tumatagal, ang emosyon na iyon ay unti unting bumubukas. ang aking mga daliri ay patuloy sa paglapat sa tiklado, tama ito ang aking musika, Kate? Nararamdaman mo ba? Makinig ka lang at dadalin kita sa ibang mundo gamit ang Musikang ito, isa sa pinaka gusto kong parte ang nakilala ko si Eri, Si Eri na naging inspirasyon ko sa Piyesang ito! si Eri na handa ko ng ipaglaban, ang Babaeng bumago sa akin. Ang oras na ito ay isang especial na oras lalo na sa akin bilang musikero. Ano Kate? Tama yan pumikit ka lang

BINABASA MO ANG
MY MELODY (COMPLETED)
SonstigesIsang Kwento ng pagkakaibigan, pagkakaibigan na lumalim dahil sa musika.