Friday Morning, Habang Busy ang Lahat para Pumasok sa eskwela, Ako? Ito naglalakad sa Facility ng school, Sure naman ako na Hindi ako malalate dahil sobrang aga kong dumating ng School,, Hindi pa din ako maka move on kagabi sa Gala Night, Masasabi ko isa yun sa Hindi ko makakalimutan bilang musikero.
Habang naglalakad ako, Napahinto ako upang tignan ang Nakapaskil sa Bulletin Board, Mukhang Magkakaroon na naman ng Election ng Student Council, Haha Sa totoo lang hindi ko ramdam ang mga bagay na yan. Dahil una, wala naman akong pakielam,
Alam ko na Dahil Maaga naman ako, Kakainin ko muna sa Canteen itong Sandwich na gawa ni Lola,.
Hi Renz, Thank You pala Last Night ah, uii si Lorraine pala.
"wala yun, Atleast Pareho tayong masaya tugon ko kay Lorraine. "Ang aga mo pala Renz, Teka Saan ka Pupunta diba dun ang music Department?? Tanong ni Lorraine
"Eh kasi plano ko sana na Pumunta ng Canteen, para mag breakfast, gusto mo sumama?? Tara tikman natin tong sandwich na gawa ni Lola." pagyayaya ko kay Lorraine.
"Sige, Pwede din, hindi pa din ako Nag breakfast eh.
(magkasabay kaming naglakad ni Lorraine, papuntang Canteen, kumain, nagkwentuhan ng mga bagay bagay, siyempre related pa din sa music.)
(Riiiing! Riiinng)
Ayan Bell na Pala "sige Lorraine Salamat sa time, See you around na lang, Punta na ako sa Klase ko.(Pagdating sa Kwarto, isang Pamilyar na pangyayari, as usual Nandun mga Classmate ko.
Renz!! Ayos, Balita ko Nasa Gala ka daw kagabi? Kamusta? Ok ba mga Performance?
Tanong ng Classmate kong si Kyle (siya nga pala ang president ng Music Department, medyo mayabang nga lang, sa totoo lang minsan hindi talaga kami nagkakasundo.)"Ou Sobrang galing ng mga nag perform lalo na ang Orchestra Syllabus. Pagyayabang ko hahaha akala niya siya lang pwede magyabang.
Good Morning Class, (ayan na pala si Sir Panotchie)
(halos lahat nagbalikan na sa kani kanilang upuan, teka Bakit parang wala si Ms Paniraw? Absent? Bakit kaya?? Anyway wala naman ako pakielam, mabuti nga yun para hindi masira araw ko.)
So Music Theory na naman ang Topic, Bakit ganun sobrang tinatamad talaga ako sa klase niya. Lalo na kapag nagsasalita siya ng sobrang baba ng tunog ng boses.
"Class Our Department Decided na Magkaroon ng Camp, Ito ay para Hindi lang sa Musika tayo naka Focus kung hindi dapat pati sa Pangangatawan, at Kaisipan. Bawat isa sa inyo ay May Buddy or Katuwang
(teka Seryoso? camp ba ang narinig ko?? Sure ako Boring yan)
Lahat kayo ay Ginawan ko na ng listahan, Sa madaling salita may mga kapartner na kayo.
(hayyyst Anu ba to, Bakit ngayon pa nila naisipan to, kainis talaga tong si Sir Panotchie)
Renz?? Ang Partner mo ay si Eri. Wika ni Sir Panotchie.
(ANOOOOOO!!! Baka naman Pwede pang mapalitan )
"Sir Kasi, New Student Lang si Eri diba?? At babae pa siya, Sana ipartner nalang po siya sa Babae din alam niyo na, Ganun." pagprotesta ko.
"Renz, No More Question na, basta, sa ayaw at sa Gusto niyo kayo ang mag buddy sa Camp.
(Grabe pinaparusahan ba ako ng Kalangitan :( )
Hayst salamat tapos na ang klase ni Sir Panotchie,
"Renz!! Pinuntahan kita kanina sa Bahay niyo, sabi ng Lola mo ang aga mo daw umalis. Wika ni Kevin.
"Ou halos nilakad ko nga lang papunta dito sa school, Ok pala. Tugon ko.
"siya nga pala Renz!! Mag uupload na ako ng mga Pictures natin nakuha ko sa Gala night kagabi. Tugon ni Kevin na dala pa ang Camera niya.
Teka Kevin, Hindi mo ba napansin si Angel??tanong ko kay Kevin, "Hindi nga eh, kanina pa ako paikot ikot sa school.
(siguro busy sa Subject niya, hayaan na nga lang pag uwian naman nakikita ko siya.)
Alam ko na Tatambay na lang ako sa Music Room habang hinihintay ang Susunod na subject,, sana walang gumagamit ng Piano para makapag warm up ang daliri ko.
Hindi naman ganun kalayo ang music room mula sa Kwarto ni Sir Panotchie,,
(Habang naglalakad ako, Nakita ko mula sa Dulo na ang pintuan ng music room ay nakabukas, mukhang may gumagamit sayang naman.)
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng music room, nakasara ang piano, walang gumagamit pala. Ng ibaling ko ang aking paningin laking gulat ko kung sino ang nakita ko. Si Eri na nakahiga sa Lapag , tumakbo ako para icheck ang nangyari sa kanya, Paulit ulit ko siyang tinatapik,
"Eri, "Eri, Uii anong nangyari sau?, Pulit ulit kong tanong, Pawisan siya at mainit, "Eri?? Uii naririnig mo ba ako. (Bahagya niyang binuksan ang mata niya) "Hmm Ok lang ako nahilo lang ako, Kaya kong tumayo, Wika niya Na Halata naman na hindi niya kayang bumangon, (pinilit niyang tumayo na halos matumba na, Kaya wala akong magawa kundi, Ioffer sa kanya yung upuan sa music Room para dun siya umupo. "Eri? Heto dito ka muna umupo,. Pupunta lang ako ng Clinic para ikuha ka ng Gamot." (sa totoo lang hindi ko naman dapat gawin yun, pero anong magagawa ko dalawa lang kami sa Music Room.)
"Salamat Renz ah, Sorry din pala sa Mga Attitude na pinakita ko sau,, (kasabay nun nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi, Teka Ang lambing ng tinig na yun, baka naman nagkamali lang ako ng pagkilala sa kanya,, baka naman talagang mabait siya.
"Wala yun Wag mo ng Isipin yun. basta, kukuha lang ako ng Gamot, babalik ako ok."
(tinungo ko ang Clinic at kumuha ng Gamot para sa Lagnat, at dali daling Bumalik.)
"Teka Bakit ka pa pala Pumasok, eh masama na Pakiramdam mo? Akala ko absent ka wala ka kasi sa First Subject natin. Tanong ko na nakaupo malapit kay Eri, tama ang narinig niyo mula ngayon tatawagin ko na siya sa kanyang Pangalan.
"Alam mo Renz, Ayoko Mag stay sa Bahay, mas Gusto ko dito sa School, Mas nalilibang ako dito, mas nakakakilala pa ako ng ibang tao, mahinahon na sagot ni Eri.
(Gusto ko sanang itanong yung nangyari nung nakaraan dito sa Music room, yung pagtugtog niya ng Cannon in D, at ang mga luha sa tiklado ng piano, pero siguro wag na lang.)
(lumipas ang ilang oras)
Sinamahan ko na lang si eri pati ako hindi na nakapasok sa subject ko. Eh kawawa naman to kung iiwan ko mag isa.teka, Eri, Panu mamaya sa uwian, may sundo ka ba? Kaya mo ba? Teka para na akong feeling close nito dami ko tanong.
"Ok na ako renz, medyo kaya ko na kumilos, salamat ulit ah, pasensya na din hindi ka na nakapasok, dahil sa akin. Tugon ni eri.
(ang sama ko hinusgahan ko kaagad ang babaeng to, eh Nice naman pala siya, hmm mukhang gusto ko na siyang maging kaibigan.)
Parang napakahaba ng araw, at oras na yun kasama ang isang Babae, Na ngayon ko palang nakikilala.
BINABASA MO ANG
MY MELODY (COMPLETED)
SonstigesIsang Kwento ng pagkakaibigan, pagkakaibigan na lumalim dahil sa musika.