SUNSET

35 7 1
                                    

Tatlong araw na ang lumipas, wala pa din akong balita kay Kate, kamusta na kaya siya?.

Samantalang habang naglalakad ako napansin ko na nagkakagulo ang mga students sa harapan ng Bulletin Board ano kaya yun?

Lorraine:
Good Morning Renz,

Renz:
Oh, Good Morning Lorraine, alam mo ba kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga students dun sa bulletin board?

Lorraine:
Ah, yun ba? Announcement lang yun ng mga participants sa Piano Competition, naks, nakita ko pangalan mo dun.

Renz:
Ganun pala, Hahaha sa totoo lang wala pa akong nasisimulan, hindi ako makapag decide ng piyesa na ilalaban ko.

Lorraine:
Bakit hindi ka kumuha sa piyesa ni Mozart? O kaya kay Beethoven? Kaya mo yan renz,

Renz:
Bahala na, sa totoo lang magulo pa din kasi ang isip ko ngayon

"SI KYLE PALA ANG MAKAKALABAN NG DALAWA, GRABE PARANG ALAM NA NATIN KUNG SINO MANANALO KAWAWA NAMAN YUNG RENZ AT ERI, SURE ILALAMPASO LANG NI KYLE YUNG DALAWA."

(dalawang Students ang narinig kong nag uusap,)

Lorraine:
Aba aba wag mo sila pakinggan Renz, mas magaling ka pa dun.

Renz:
Hahaha wag kang mag alala, ayos lang naman.

Lorraine:
Oh siya sige na Renz, at ako'y babalik na sa Class ko bye.

Renz:
Sige!

maaga pa naman kaya naglakad lakad na lang muna ako sa paligid ng School, nag decide na lang ako pumunta sa Garden para makapag isip isip.

Ng marating ko na ang Garden, una kong napansin ang isang Halaman sa Paso, naalala ko ito yung halaman na diniligan ni Eri, nakakatuwa mukhang lumaki na siya.

"FAVORITE KO ANG HALAMAN NA YAN!

(Isang tinig mula sa aking likuran)

Renz:
Eri?

Eri:
Kamusta Renz? Good Morning.

Renz:
Ah, Eh, Good Morning

Eri:
Malalim siguro ang iniisip mo?

(mukhang napansin niya)

Renz:
Ah, hindi naman sa Ganun

Eri:
Alam mo? Kapag hindi maganda ang nararamdaman ko, pumupunta ako dito, kinakausap ko ang mga Halaman, tapos para nila akong naririnig, kasi nagiging maganda ang paglaki nila.

(na miss ko talaga siya.)

Renz:
Ang Lalim mo talaga Eri, ahm,, ok lang ba na nandito ako?

Eri:
Ou naman Renz, hindi naman akin ang Garden na ito, anytime pwede kang pumunta dito.

Renz:
Ah, akala ko may pangalan ka na dito eh,

(pabiro kong tugon)

Eri:
Siya nga pala! May napili ka na bang piyesa para sa competition natin?

Renz:
Sa totoo lang wala pa, ikaw?

Eri:
Meron na! Pero hindi ko ipapaalam sa iyo, kasi kalaban kita Hahahaha

Renz:
Ganun ba? Damot naman! Hahaha

(masaya kaming nagkwentuhan ni Eri, tama ganito lang dapat, hindi naman kailangan pag usapan ang nararamdaman ng bawat isa, hindi ito ang pagkakataon para dun.)

Eri:
Pero Renz, may hihilingin ako sa iyo.

Renz:
Ano yun Eri?

(biglang naging seryoso na naman ang paligid)

MY MELODY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon