CONFESSION

27 6 1
                                    

Panibagong araw, panibagong pagsubok at Desisyon na naman.

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang dahilan kung bakit biglang sumali si Eri sa Competition, talagang napaka kumplikado na.

(tinungo ko ang sala ng Bahay, at nagpahinga sa Sofa habang iniisip ang mga Bagay ng biglang)

Renz! Renz!!

Nagulat ako halos bumagsak ako sa sahig dahil sa Gulat

Renz:
Kevin ano ka ba!! Ginulat mo ako.

Kevin:
Pasensya na Dude! Napadaan lang ako bigla dito, may itatanong kasi ako.

Renz:
Sige, ano naman ang itatanong mo?

Kevin:
Tungkol sana kay Babe Eri

(sabi ko na nga ba at dito mapupunta ito)

Renz:
Oh ano naman ang tungkol kay Eri na itatanong mo sa akin?

Kevin:
Dude gusto ko sana siyang bigyan ng Gift, kaya lang hindi ko alam kung ano ang Gusto niya

Renz:
Hala! Ako pa talaga tinanong mo? Eh ano naman alam ko sa mga ganyan?

Kevin:
Dude! Close mo naman siya diba? Ano yung mga bagay sa tingin mo na napapasaya siya?

Renz:
Teka! Isipin ko, si Eri kasi napaka simple lng niya, kung sa Material na Bagay, wala akong maisip, pero mahilig siyang Mamasyal, mahilig siya sa Halaman at mga Dolphins.

Kevin:
Wow salamat Dude, malaking bagay yun para sa akin, Teka panu mu naman yan nalaman na ikwento ba niya sa iyo? Alam ko na nung nasa Camp kayo no?

Renz:
Ou doon nga.

(Hindi dapat malaman ni Kevin na namasyal na kami ni Eri na magkasama.)

Kevin:
Sige Dude! Salamat, The Best ka talaga, yaan mo ililibre na lang kita sa School kapag nagkita tayo.

(kasabay noon, umalis na si Kevin)

Ano naman kaya ang pwede kong gawin? Maglakad lakad na lang muna kaya ako sa Labas, para naman makapag isip ako ng maayos.

(at ganoon nga ang ginawa ko, lumabas ako at naglakad, pumunta ako sa Park na malapit sa school at umupo sa Bench, nakakita ako ng mga Bata na naglalaro, napaisip tuloy ako na sana Bata na lang ako ulit, walang problema, at malayang naglalaro lang)

Uiiii Crushhh!!

(teka Medyo pamilyar ang Boses at talagang tumatagos sa Ear drum ko)

Kate:
Crush!!! Tignan mo sinusundan mo ako dito

(ano daw? Eh siya nga tong parang sumusunod sa akin)

Renz:
At bakit naman kita susundan? Nandito ako para mag relax, pero mukhang hindi ko na yun magagawa.

Kate:
Maniwala!! Ang sabihin mo talagang sinusundan mo ako

(Grabe bakit kasi sa dami dami ng makikita ko dito sa Park, eh ito pang babae na to.)

Kate:
Alam ko na, Gusto mo bang kumain ng Ice Cream? Sabi kasi nila nakakagaan daw yun ng Nararamdaman.

Renz:
Ice Cream? Tapos ako magbabayad? Lakas mo din no.

Kate:
Hahaha KKB tayo, Tara na masarap doon promise.

(Biglang hinila ni Kate ang Kamay ko. Halos kaladkarin na niya ako)

Renz:
Oh teka!! Teka!! Wag mo naman ako kaladkarin, hindi naman siguro aalis yung Tindahan ng Ice Cream

Kate:
Bilisan mo kasi ang kupad kupad mo, baka wala na tayong maupuan.

MY MELODY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon