LORRAINE

43 6 0
                                        

Araw ng Sabado,  panibagong araw na naman, Hanggang ngayon parang nananatili pa ang musika ni Dianne at ni Kyle sa isipan ko.

Lola:
Apo Gising ka na pala, halina at mag agahan na, gumawa ako ng Champorado

(kahit kelan talaga hindi ako binibigo ni Lola, puro paborito ko lagi ang inihahanda niya

Renz:
Sige La, maghihilamos lang po ako at Bababa na din ako.

(gaya ng dati pag Sabado, bonding namin to ni Lola)

Habang nag aagahan sa Lamesa, isang bisita ang Hindi ko inaasahan.

Renz! Renz! Tao po!!

Lola:
Apo pakitignan nga kung sino yung nasa baba, baka kaklase mo

Renz:
Sige po Lola

Sumilip ako sa bintana para tignan kung sino, ayy si Lorraine pala,

Renz:
Lorraine, akyat ka

(si Lorraine pala, tamang tama papatikim ko sa kanya ang Champorado na gawa ni Lola)

Lorraine:
Hi Renz, naisip ko na puntahan ka dahil sabado naman at walang pasok gusto ko sana na mag ensayo tayo, dala ko na din yung score.

Renz:
Ganun ba?ayos lang naman pero bago yan, nag breakfast ka na ba? Tara tikman mo yung gawa ni Lola na Champorado, hindi ka magsisisi.

Lola:
Apo sino ba yan? At yayain mo dito para makakain, halina dito sa lamesa!!

Lorraine:
Hala renz, hindi na hintayin nalang kita matapos

Renz:
Naku Bawal tanggihan si Lola magagalit yun, kaya halika na, dun na tayo, mamaya na yang practice na yan mahaba pa naman ang oras.

(kinuha ko kay lorraine ang dala niyang violin at score, inilapag yun sa sofa, at niyaya siya sa Lamesa para mag agahan)

Lola:
Eh Iha, damihan mo ang kain ah, madami pa dito, wag kang mahihiya

Lorraine:
Salamat po lola, :)

Renz:
Alam mo ba lorraine na the best champorado ni Lola yan, bihira gumawa ng champorado yan kaya kailangang lubusin na hahaha

(masaya kaming tatlong kumakain ng biglang nagtanong si lola)

Lola:
Lorraine iha, ganito din ba kayo kasaya ng Pamilya mo habang kumakain? Sigurado ako na masaya ang pamilya mo.

(napansin ko na parang nagbago ang kilos ni Lorraine sa tanong na yun)

Renz:
Lorraine?
Ayos ka lang ba?

Lorraine:
Sorry renz ou naman ok lang ako,

(bakit pakiramdam ko hindi siya ok.)

Lola:
Oh siya sige maiwan ko na kayong dalawa at papanik na ako muna sa kwarto ko.

(mukhang naramdaman ni Lola ang naramdaman ni Lorraine, kaya siya umalis)

Renz:
Ahm. Gusto mo pa ba ng champorado? Madami pa.

Lorraine:
Ok lang busog na ako renz, salamat ah. Ang swerte mo, ang bait bait ng Lola mo.

(teka! Bakit napakalumanay ng boses niya, nararamdaman ko na hindi talaga siya ok.)

Lorraine:
Sige Renz, dun muna ako sa Sala, hintayin na lang kita, isa pa i tune ko lang yung violin ko.

Renz:
Sige lorraine pakihintay na lang ako sa sala.

(mukhang way niya yun. Para hindi ko mahalata na malungkot siya.)

MY MELODY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon