Unconditional Love

34 9 2
                                    

Mula sa pagkakatulog, bakit parang ang bigat ng nararamdaman ko?

Ang weird

Teka (1 message received from Lorraine)

"hi renz, salamat ulit nung nakaraang araw ah, sana ilagay natin ang puso natin sa pagtugtog ah, mabuti na lang at ikaw ang accompanist ko."

(ou salamat din, dahil sa iyo nabukasan ang aking isip sa Musika ni Beethoven.)

Teka!! Mukhang hindi ata ako Ginising ni Lola ah, nakakapanibago, mabuti pa at, gigisingin ko siya.

Lumabas ako ng kwarto, at tinungo ang room ni lola, napansin ko na nakasara pa ito, kinatok ko ang pintuan.

Renz:
Lola!! Lola!! Gising na po,

(anu? Walang sumasagot? Nasa labas kaya siya? O nasa baba?)

Bumaba ako para tignan si lola, at ayun nakita ko siya na nakaupo sa baba, mukhang nag rereminisce na naman, hawak na naman ang mga photo album niya.

Lola:
Apo? Halika may ipapakita ako sa iyo

Renz:
Hay naku lola, nag momoment na naman kayo jan, anu ba yan?

(Nagsimula si Lola na ipakita sa akin ang mga lumang litrato niya,  ni Mama at ni papa,)

Halos bakas sa mukha ni Lola na masayang masaya siya na ipakita sa akin ang mga litratong iyon.

Lola:
Renz, apo tignan mo oh litrato ng Mama mo nung bata pa siya, ang cute cute niya diba?

Renz:
Hahaha si mama yan lola? Ang cute naman niya, tignan mo oh hindi pa kumpleto ngipin niya sa Baba

(masayang masaya kami nagkwentuhan ni lola, habang pinagmamasdan ang mga lumang litrato.)

Ang sarap ng ganitong pakiramdam, kaya mahal na mahal ko si Lola, kahit wala na si Mama, ayos na ako, anu kaya gagawin ko kapag nawalabpa si lola sa akin?

(maya maya napansin ko na isinara na ni lola ang photo album)

Lola:
Renz? Apo? Masaya akong ikaw ang apo ko,

(teka! Bakit parang nag iba ang ihip ng hangin)

Renz:
Lola ako din masaya ako na ikaw lola ko.

Lola:
Alam mo simula ng dumating ka dito sa bahay, naging makulay dito, lalo na kapag nakikita kitang minamahal mo ang musika, naalala ko sa iyo ang Mama mo, ganyan ganyan siya, pag uwi ng bahay, kakain tapos tatakbo agad sa piano,

Renz:
Lola, wag na po natin munang pag usapan si Mama,

Lola:
Apo? Alam ko na sa puso mo ay sobrang miss na miss mo na ang Mama mo na sana kasama pa natin siya

(ng oras na iyon bakit nagsisimula na naman akong malungkot?, tama si lola miss ko na si mama lalo na ang musika niya. hinayaan ko na lang si lola na magkwento.)

Hayst ganito talaga si Lola mahilig bumalik sa nakaraan.

Lola:
Apo? Alam mo, sana makakita ka din ng magaalaga sa iyo balang araw.

Renz:
Naku! Lola matagal pa yun, sa ngayon kailangan ko muna makatapos ng pag aaral.

Lola:
Apo? Pwede ba ako humingi ng Favor sa iyo?

Renz:
Uu naman lola anu ba yun?

Teka Ngayon lang ata humingi ng Favor si Lola sa Akin, ng mga oras na iyon hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko bakit parang, may mali, bakit ganito ang nararamdaman ko?

Lola:
Apo? Gusto kong tugtugan mo ako ng Piano, yung paborito ko na palaging tinutugtog ng Mama mo

Renz:
Huh!! Lola, pero...

MY MELODY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon