Sa wakas natapos na din ang oras ng klase ni Sir Panotchi, Pero mukhang Masisira ang Mood ko araw araw dahil sa Babaeng yun.
Hay naku kailangan ko pala Maging Positive ganyan daw ang Pananaw ng mga Musikero, "Hoy!! Kaklase pala kita? Matinis na tinig ng isang Galit na Boses. Siyempre hindi ko na nilingon kung sino dahil sa Tinis ng Boses alam ko na isang hindi katangkarang babae ang Nagmamay ari. "Ou nga eh ang Malas ko." tugon ko. Sabay alis (oh diba Walk out)
Habang naglalakad ako naisip ko na pumunta ng Library para magreview ng Music Score, sa Entrance palang "Renz!! Renz!! Isang tinig ng Pamilyar na boses. "ikaw pala Angel (siya nga Pala ay Music Student din, Brass Flute ang Instrument niya.) "Kamusta naman ang araw mo? Balita ko Pinalabas ka daw sa Class niyo? "ou nga eh Nakakahiya, Kasalanan kasi ng Babaeng yun." Sagot ko. "Babae?? Ah yung New Student?? Tanong ni Angel. "Siya nga!!. Grabe ang Gaspang ng Ugali niya (sa totoo lang hindi Chismis yun totoo naman mukhang batang Bella Flores) napansin ko na May Hawak si Angel na Music Score, siyempre Gaya ng Iba Magtatanong ako kung para saan yun (chismoso mode) "ah angel? Anong Music Score ang dala mo." (hindi ko hahayaang matapos ang usapan namin agad, siya nga pala matagal ko ng Crush si Angel, simula nung nasa Elementarya palang kami, at hanggang ngayon, sino ba naman ang hindi magkaka crush sa isang simple, Musician, Matalino, Ah basta na kanya na lahat (insert Daniel Padilla). " Ah Eto ba?? Cannon in D Major by Pachelbell gagamitin namin ito sa presentation sa Gala." tugon niya. Siyempre na inlove na naman ako sa kanya, Grabe sana makasama ko siyang tumugtog minsan. Hayyyst parang hihinto ang oras. (totoo pala noh? Pag kasama mo yung taong gusto mo, Slow motion ang paligid.
"RENZ! halos mabingi ako sa sigaw, si Kevin pala. "Hoy Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka ng Library?? At kasama mo pa si Ms Angel." (nakangiting nakatingin sa amin si Angel Habang Nagtatalo, Grabe ang cute niya talaga.) "Hindi ah, Nagkita lang kami dito, at isa pa alam ko hindi ka naman talaga pumupunta ng Library, Pagbuko ko sa kanya Haha makaganti lang. " pssst Wag ka maingay jan baka may makarinig dapat magpa pogi points ako kay Ms Angel." pakiusap ni Kevin sa akin.
(nakapasok na kaming tatlo ng library) halos mapuno ang library problema saan kami pupwesto? "Hoy Dito tayo sagot ni kevin na mukhang ang bilis makahanap ng pwesto, hay naku pag para sa Babae talaga mabilis.
Isang Mahabang lamesa ang pwesto namin halos tatlo lang kaming nakaupo,
"Excuse Me, May nakaupo ba dito." parang alam ko ang boses pero hindi ako sigurado nakayuko ako nun at kinukuha ang gamit ko sa backpack ko, Halos Paa lang ang nakita ko sa umupo sa harap ko. At sa wakas nakuha ko na ang music score ko, Halos Hindi ako makapaniwala kung sino ang nasa Harap ko. (ang Babaeng Nanira ng araw ko) " Hello Music Student ka din?? Tanong ni Angel sa Babaeng yun, Teka tatawagin ko siyang Ms Paniraw. Hahaha panira ng araw. "Ou Klasmeyt ko nga ang lalaking yan." sagot niya ng nakaturo sa akin. FC talaga masyado. Siyempre kunwari wala ako narinig, maya maya hinila ni kevin ang kamay ko at dinala ako sa gilid, "Dude?? Sino yun? Ang Cute niya pakilala mo naman ako. Infairness ang bait ng pakiusap ni kevin. "ah bakit hindi mo lapitan at magpakilala ka ng personal? Halos galit na tugon ko.
At siyempre dahil nanjan si Ms Paniraw yung Moment na kasama mo si Angel ay nawala na, teka may Galit ba ang Diyos sa akin?? Hayyyst.
"oh Pano, salamat sa oras Renz, Kevin at Eri Nice meeting you ah. Sa susunod ulit. Hayyst malungkot na paalam ni Angel. (nakalingon ako sa kanya habang tinitignan ang unti unti niyang paglabas ng Library. Maya maya "una na din ako. Salamat sa oras (natuwa ako kasi nagpaalam na si Ms Paniraw) "Nice meeting you din sagot ni Kevin., ako? Ahm Tumango na lang ako. Halos tumagal ako sa library ng isang oras kasama ang kaibigan ko na Sa totoo lang hindi talaga para sa projects, assgn, Research, etc ang pinunta sa Library kundi ang makakilala ng mga Babae. (Riiiing, Riiinnng) natapos na ang araw at oras na para umuwi, niligpit ko na ang gamit ko, Hanggang sa "Hala!! Nakalimutan ko pala ng Notebook ko sa Music Room, Asar kailangan pang balikan tuloy. "Kevin una na ako ah may babalikan pa ako sa Music Room." paalam ko kanya. "Sige Dude uwi din ako maya maya May hinihintay pa ako." tugon niya. Nagmamadali ako halos patakbo na ng Papunta sa Music Room,, Tahimik ang Lugar, Halos wala ng tao ng Biglang isang napakagandang tunog ng piano ang Naglalambing sa aking tenga alam ko nangagaling yun sa music room, Pero sino?? Ang Tumutugtog, Napakagaan sa pakiramdam, na parang Unti unting dumadaloy sa Kaluluwa mo ang tunog na nililikha, nilakasan ko ang loob ko nais kong malaman kung sino, Bukas ang pinto pero halos kalahati pero tanaw naman kung sino ang tumutugtog, (Halos bumilis ng tibok ng Dibdib ko ng makita ko kung sino si,, si,,, si,,, Ms Paniraw!!! Ou si Ms Paniraw nga, Pero bakit napakaganda ng nililikha niyang tunog?? Saan galing ang emosyon na yun, paano?? (napakaraming tanong ang umiikot sa isip ko ng mga oras na yun na parang Bawat nota ay kumukurot sa puso ko, Muli kong Tinitigan ang babaeng lumilikha ng tunog na iyon ito ay Cannon in D by Pachelbell ang bawat tiklado ay perpektong tumutunog ang pag pidal ng paa ay halos tama sa oras. 'Sino Nanjan!!! Sabay Bukas ng Pinto! hindi na ako nakatakbo dahil sa bilis ng pangyayari, "nandito ako para kuhanin ang naiwan kong Notebook tugon ko. "ah ganun ba sige maiwan nakita, Agad kinuha ni Ms Paniraw ang Kanyang Bag at tumakbo paalis. (weird talaga parang takot siya sa mga tao) lumapit ako malapit sa piano, at tinitigan maigi ang Mga tiklado, ,hindi ko makakalimutan ang napakagandang tunog na iyon, Hinawakan ko ang bawat tiklado, hanggang sa isa sa mga nakapukaw ng pansin ko, Na basa ang tiklado, Ano to?? Luha ba to?? Ibig sabihin Habang Tumutugtog siya kanina Umiiyak siya?? Paulit ulit na tanong sa isip ko nung mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
MY MELODY (COMPLETED)
RastgeleIsang Kwento ng pagkakaibigan, pagkakaibigan na lumalim dahil sa musika.