(Araw ng Linggo)
Ito ang Araw Ng Music Camp namin, Hayyst sa totoo lang ayaw ko talaga sa mga ganitong klaseng Activity,. Pero Noon yun, ngayon medyo excited na ako. (hindi dahil kay Buddy ah? Wag kayong Judgmental)
Lahat ng Nasa Music Department ay kasama, mabuti na lang, sigurado makikita ko si Angel. :) at walang asungot, haha malas ni Kevin hindi siya pwedeng sumama dahil para sa music Students lang ang camp.
(inihanda ko na ang lahat, Mga Extrang Damit, Pagkain (in Can) flashlight incase of emergency at First Aid kit.)
Teka ano pa ba? May nakalimutan ba ako?? Mukhang wala na,
(umalis ako ng maaga ng Bahay, para hindi na din ako mamasahe, kaya naman kasi Lakarin ang school mula sa Bahay, nakarating ako doon ng eksaktong oras.)
"Hi renz ang aga mo ah, Wika ni Lorraine (na mukhang mas maaga pa sa akin.
"Uii ikaw pala lorraine, teka Anong bus no. Ka?
Tanong ko na palinga linga na parang may hinahanap."Magkakasama tayo, ang violin at piano dapartment ay magkasama sa iisang Bus. No. 2 tayo.
(ano bakit wala ang flute? Kainis akala ko pa naman makakasama ko sa isang bus si Angel.)
Makaraan ang ilang minuto, unti unti ng nagdadatingan ang mga Music Students na kasama sa Camp, mga mukha silang Excited,, pssh ako kanina na excite pero ngayon hindi na.
(Students, Umakyat na kayo sa Assign Bus Number niyo, galing kay Mrs De Villa na isa sa mga kasama sa Music Camp. (naku sana hindi siya magsuplada)
Umakyat na ako sa Bus number namin, mukhang magkakatabi pala ang magkaka Buddy, speaking of Buddy wala pa pala si Eri, naku!! Baka maiwan siya ng Bus (kinakabahan ako ng mga oras na yun, paano baka maiwan siya ng Bus)
Mula sa Bintana, natanaw ko si Angel, hayst Bus Number 1 pala siya, yung ngiti niyang nakakatunaw
Teka sino buddy niya?? (ah Yung Accompanist pala niya nung Gala siya pala, kainggit naman.)Nilingon ko si Lorraine, kasama na din ang kanyang Buddy, isa ding Violinist ang buddy niya at masaya silang nagkwentuhan,, teka 5 minuto na lang aalis na wala pa din si Eri, asan kaya yun? Eh kung i message ko kaya? Wag na lang baka feeling close na naman ako.
Makalipas ang ilang sandali isang itim na sasakyan ang pumarada sa Harapan ng Bus, lumabas ang isang babae, kasama ang kanyang Parents, si Eri pala. Hinatid pala siya ng parents niya.
Mabuti na lang akala ko hindi siya aabot, hayyst makakahinga na ako ng maluwag
Palinga linga si Eri ng mga oras na iyon, mukhang hindi niya pa alam kung anong Bus number niya, kaya Mula sa Bintana sumigaw ako.
Buddy!! Buddy!! Dito tayo!!
Sigaw ko, mukhang napansin niya naman ako, dahil kumaway siya sa akin.Umakyat na siya sa Bus at umupo sa tabi ko
"Hi Buddy pasensya na late ako, tugon niya na mukhang galing pa sa mahabang biyahe.
"Ok lang mukha ngang ang layo pa ng pinanggalingan mo eh, sagot ko.
OK STUDENTS AALIS NA TAYO WALA NA BANG NAIWAN?
Students: Wala na po kumpleto na po kaming lahat
(sa wakas at aalis na kami, ano kayang klaseng lugar yun)
Nagsimula ng umandar ang bus na sinasakyan namin, tahimik ang lahat mahinang usapan, meron kumakain, meron naman nagbabasa ng libro (weird ah)
Pero ang katabi ko mukhang napagod, mapungay ang kanyang mga mata, tipong pipikit na siya anumang oras, palihim ko siyang tinitignan, napaka pula pala ng labi niya, ang kanyang mga mata parang nangungusap. (teka ano ba tong iniisip ko)
![](https://img.wattpad.com/cover/214703328-288-k26910.jpg)
BINABASA MO ANG
MY MELODY (COMPLETED)
RandomIsang Kwento ng pagkakaibigan, pagkakaibigan na lumalim dahil sa musika.