DATE

35 7 0
                                    

Isang tahimik na araw ng Linggo

Nasa kwarto ako, at nag mumuni muni, hayyst ang boring naman, alam ko na Magsisimba na lang ako at Yayayain ko si Kevin.

(Binuksan ko ang Laptop ko para mag Internet, message ko sana si Kevin para yayain magsimba)

Ui may Message ako, kanino kaya to.

Hi Renz, Busy ka ba Today?
Magpapasama sana ako sa iyo na Pumunta sa Aquarium, dahil Sunday naman naisip ko na Mag unwind naman. By the way Ok lang kung hindi ka pwede, wala lang kasi akong ibang ma invite Thanks.

Eri Rose Ledesma.

(Grabe parang Bumilis tibok ng Dibdib ko ng mabasa ko ang Message na iyon. Tama may dahilan na ako para Masabing ang Linggo na ito ay THE BEST)

HI Eri, Sure available ako Today sa totoo lang gusto ko din gumala ngayon, sa dami kasi ng Nangyari nung mga nakaraan, siguro kailangan ko din lumabas para malibang.

Renz.

(Nakaka Excite naman, Makakasama ko si Eri, para na tong First Date namin.)

Salamat naman kung Ganun Renz, Kita tayo sa Labas ng School ng 3pm. :)

Ps: Bawal Ma late, manlilibre ng Food.

Eri Rose Ledesma

(bakit napapangiti ako ngayon, halos hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko, sana mag 3pm na.)

Dali dali akong lumabas ng kwarto, para makakain muna ng Breakfast. Tutal 3pm pa naman kami magkikita ni Eri, marami pa ako pwede magawa, hayyst kaya lang di tulad ng dati na pagbaba ko sasabihin ni Lola na "Good Morning Apo tara kain na tayo." hayst miss ko pa din si lola. Habang kumakain, maraming tumatakbo sa isipan ko, tulad ng ano kaya ang isusuot ko mamaya, sana hindi ko masira ang araw ni Eri, basta ganun.

Pagkatapos kumain, pumunta ako sa Sala kung saan naka pwesto ang aming Upright Piano, Nilapitan ko ito, inalis ang Tela na nakatakip dito.
(Huli ko palang Ginamit ito ng Tugtugan ko si Lola, ang araw bago niya ako iniwanan.)

Umupo ako sa Upuan ng Piano, at dahan dahang sinalat ang mga tiklado nito. Napakadaming ala ala ang meron sa Pianong ito.
Habang tinititigan ang Piano, ala ala ng masasayang sandali ang naiisip ko, mga sandali na kasama ko pa si Lola.

(anu ba to, akala ko ba papakawalan ko na ang mga masasakit na ala ala na yon, heto na naman ako, mabuti pa at tutugtog na lang ako.)

Upang malibang ang sarili Tumugtog ako ng Nursery Rhyme "London Bridge is Falling Down." sinusubukan kong kulayan ang Araw ko sa pamamagitan ng mga nakakagaang Musika. Tuloy tuloy lang ang pagtugtog ko ng biglang....

Renz!! Renz!!

Pamilyar na Tinig na nang gagaling sa baba ng aming bahay.
Sinilip ko sa Bintana kung sino, at si kevin lang pala.

Renz:
Oh!! Kevin Akyat ka.

Kevin:
Oi Dude, Busy ka ba Ngayon? Tara alis tayo.

(Naku, hindi ako pwedeng pumayag kay
kevin, dahil naka Schedule na magkikita kami ngayon ni Eri.)

Renz:
Naku! Sorry hindi ako pwede ngayon may Lakad din kasi ako.

Kevin:
Talaga? Saan naman yan?

(Hindi ko pwedeng sabihin sa Mokong na ito, baka sumama pa eh)

Renz:
Kasama mga Classmate ko sa Music may pupuntahan Kaming Opera Concert.

Kevin:
Opera Concert? Pss, Ayoko sa mga Ganyan, buti kung ikaw ang magpeperform, pero kung manonood, sige kayo na lang.

(mabuti naman)

MY MELODY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon