DILEMMA

27 6 1
                                    

Ng Oras na iyon, sobrang gulong gulo ang isip ko, Kaya isinara ko na ang Piano at Nagtungo na sa room.

Mr Ramirez:
Oh Mr Diaz, Mukhang Maaga ka ngayon ah! Siya nga pala Dalawa na ang Kaklase mo na nagpalista para sa Competition, sayang naman kung hindi ka sasali.

Renz:
Nakapag desisyon na po ako Sir! Magpapalista ako

(siguro kailangan ko ng Harapin ang Hamon)

Mr Ramirez:
Mabuti naman oh sige eto ang Form Fill up an mo yan ah.

(isang Form ang ibinigay ni Mr Ramirez sa akin, mukhang wala ng Atrasan ito, kasunod nito ang Pagdating ni Kyle)

Kyle:
Mabuti naman at nakapag desisyon ka na! Wag kang mag alala bibigyan kita ng magandang Laban, musikero laban sa musikero.

Renz:
Sige, pero huwag mong kalimutan na kasali si Eri dito kyle!!

Kyle:
Si Eri??!! Hindi naman siya banta sa atin Renz, sa totoo lang pampagulo lang siya sa laban natin.

(kung alam lang niya kung paano tumugtog si Eri ng Piano)

Mr Ramirez:
Oh siya Sige!! Bumalik na kayong dalawa sa upuan niyo., Mr Diaz i submit mo ang Form sa akin kapag tapos munang fill up an yan.

(bumalik na ako sa upuan ko, nakapagtataka wala pa si Eri dito, at nagdatingan na lahat ang aking mga kaklase, pero nasaan si Eri?,)

Eri:
Sorry im Late Sir!!

Mr Ramirez:
Oh Ms Ledesma! Sige Hindi ka pa naman masyadong late, kaya maupo ka na

(tinitignan ko siya ng mga oras na iyon, mukhang may pinuntahan sila ni Kevin, umupo siya sa kanyang upuan, at kinuha ang kanyang libro.)

Mr Ramirez:
Class ngayon ang Deadline ng Mga Magpapalista para sa Gaganaping Piano Competition, tatlo na sa inyo ang Nagpalista baka may Gusto pa sa inyo, kumuha lang ng Form sa akin, huwag kayong matakot ipakita ang Talento niyo.

(halos wala na talagang nag taas ng kamay, ang ibig sabihin tatlo lang talaga kaming maglalaban.)

Nagpatuloy ang Klase ni Mr Ramirez,.. Napakatahimik sa Loob, kahit ang Babaeng katabi ko ni hindi umiimik,, pinapakiramdaman ko ang Bawat paligid.

Mr Ramirez:
Mr Diaz?!

(ano!! Ako Ba ang tinawag?!)

Renz:
Sir?

Mr Ramirez:
Sa tingin mo? Bilang Pianista, paano mo ipararating ang Musika mo, sa pamamagitan ng pagtugtog mo?

(ano!!? Bakit sa akin pa itinanong ito?)

Renz:
Ahm,, Sir, Siguro po kung may pag aalayan ako ng Musika ko,, tutugtog ako ng buong puso para maramdaman niya, pipilitin kong makarating sa kanya ang aking musika.

Mr Ramirez:
Very well said Mr Diaz, tama sa pagtugtog mahalaga ang Emosyon natin, kung ano ang nararamdaman mo, makikita at maririnig yan sa Pagtugtog mo.

(tama ang sinabi ni Kate, at Mr Ramirez, halos pareho sila ng sinabi, pero hindi na nakapagtataka dahil Dad ni Kate si Mr Ramirez, ng Biglang tumunog na ang Bell, hudyat na tapos na ang Klase.)

Mr Ramirez:
Mr Diaz, akin na ang Form mo

Renz:
Ito po Sir!

(tumayo ako sa upuan at ipinasa ang Form, napansin ko na umalis si Eri, mabilis siyang lumabas ng Room, gusto ko sana siyang kausapin pero mukhang Hindi ko dapat gawin ngayon, kinuha ko ang aking bag, at lumabas ng Room,, naglalakad ako sa Pasilyo ng School,, hanggang sa makarinig ako ng tunog ng Piano,, napahinto ako sa paglalakad, gusto kong malaman kung sino ang tumutugtog kaya naglakad ako papuntang music room.)

MY MELODY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon