Makalipas ang Isang Linggo matapos mailibing si Lola, Bakit ganun? Bakit parang sobrang lungkot ko pa din, bakit parang ayaw ko ng magpatuloy? May dahilan pa ba para ituloy ito?
Kevin:
Renz?
Isang tawag mula sa likuran ko.
Renz:
Ikaw pala kevin? Kamusta?
Pinipilit kong itago ang lungkot na nararamdaman ko.
Kevin:
Dude! Ok ka lang ba? Gusto mo kumain? Tara may alam ako na masarap kainan treat ko.
(alam ko way ni kevin yun para mapagaan ang loob ko)
Renz:
Ikaw na Lang, busog pa ako. Isa pa baka ma late pa ako sa class
(halos hindi ko pa kayang maging ok! Hayst)
Kevin:
Ah ganun ba? Ganito na lang daanan kita mamaya may pupuntahan tayo
Renz:
Kevin! Pasesnya na busy din ako mamaya, at bukas
Pagkasabi ko nun, lumakad na ako, at tinungo ang Music Room
Walang tumatakbo sa isipan ko ng mga oras na iyon, kahit ang piano parang hindi ko na kayang hawakan, ang pakiramdam na ito ay hindi ko Gusto, pero ito ang tinatanggap ng katawan at isip ko.
(isang tinig ang mula sa aking likuran na tinawag ang pangalan ko)
Eri:
Renz? Andito ka lang pala
Renz:
Ikaw pala! Kamusta medyo matagal pala tayo hindi nagkita
Pinilit kong ngumiti sa harapan ni Eri
Eri:
Ok naman ako eh ikaw ba? Are you ok?
Simpleng tanong pero ang hirap sumagot!
Renz:
Ok lang naman ako, hahaha
Eri:
Renz? Pwede ako muna tutugtog ngayon?
Renz:
Sige pwede naman
(siguro ok na to, hindi ko din naman kayang tumugtog ngayon.)
Tumayo ako sa piano, at umupo sa isang upuan na malapit sa Piano.
Napansin ko na parang ang tahimik ni Eri na naglakad papunta sa piano, nakakabingi ang katahimikan ng mga oras na iyon.
Tinititigan ko lang siya, hinihintay kung anong mangyayari.
Eri:
Renz? Pakinggan mo lang maigi ah, wag ka magsasalita hanggang hindi ako natatapos tumugtog.
Renz:
Sige.
Halos Hindi ako makapaghintay kung ano ang tutugtugin niya.
Sa wakas itinapak na niya sa pidal ang paa niya, at nakahanda ng tumugtog, ang Music Room ng mga oras na iyon ay nagmistulang Auditorium kung saan may nakahandang mag tanghal.
Hayan naririnig ko na ang marahang pagtugtog ni Eri, hindi ako pamilyar sa piyesa, pero napakasarap sa tenga, halos hindi ako kumukurap habang nakatingin kay Eri.
Ang mga nota ay animo'y naguusap, eto na naman ang pakiramdam na yun, ang pakiramdam na may hinahanap ang Puso mo.
Ang Musika niya ay napaka hinhin at malumanay, Ipinikit ko ang mata ko para mas mapakinggan ko ng maayos ang piyesa, Teka!! Ano to!! Bakit bumigat bigla ang pagtugtog niya, ano to!! Kasama ba talaga yun sa Dynamics na naprepare niya.
Ang bigat!! Parang biglang nagbago ang sinasabi ng nota, bakit ganito Eri? Ano to!! Ito ba ang musikang gusto mong iparinig sa akin?? Wag ngayon!! Pakiramdam ko malulunod ako sa tunog ang mga bass na nag uuntugan, ang Napakalakas na pagkalabit sa tiklado.
Unti unti kong tinitigan ulit si Eri napaka tahimik niya habang tumutugtog., pero ang musika niya parang hindi siya ang gumagawa ng tunog.
"ano ba ang nais mong iparating sa Musikang yan.
BINABASA MO ANG
MY MELODY (COMPLETED)
AléatoireIsang Kwento ng pagkakaibigan, pagkakaibigan na lumalim dahil sa musika.
