Gala Night

61 11 0
                                    

"isang Magandang Umaga na naman, Sa Araw na ito, Makikita ko si Angel na Magperform, Hayyyst siguro mukha siyang Anghel talaga. "Renz Renz, tinig mula sa Labas ng Pinto ng Kwarto ko,, Pagbukas ko ng Pinto, si Lola pala "Halika at mag Almusal na tayo ng Sabay. (ayiiieh ang sweet ng Lola ko naglalambing) ganito kami palagi tuwing Umaga, masayang kwentuhan Habang nag aagahan. Palagi namin pinagsasaluhan ang Bawat sandali ng Magkasama. "Renz Iho Kailan mo ba ipakikilala sa akin ang Girlfriend mo???." Pilyang tanong ni Lola. "La naman eh, Alam niyo sakit ng ulo lang ang Magkakaroon ng Girlfriend, isa pa mahirap intindihin ang mga Babae. Hahaha pabirong banat ko (sa totoo lang gusto ko na talagang magka Girlfriend Torpe lang ata talaga ako).
"Ah basta dapat bago ako mamatay mapakilala mo na sa akin ang magiging Girlfriend mo." hayy naku ganyan lagi ang biro ni lola sa akin, eh mas malakas pa nga sa kalabaw.,
Samantala, pagkatapos kong mag agahan pumunta agad ako sa kwarto ko, Mamimili ako ng isusuot ko para sa Gala, siyempre nakakahiya naman kay angel kung hindi ako mag aayos. Dapat disente kasi i know na mga eleganteng tao ang pupunta dun. (1 message Received) teka sino kaya to. Ahh si Kevin pala pinapaalala niya na dadaan daw siya sa bahay mamaya mukhang excited talaga siya na makita Si angel, sa totoo lang ako din naman. First time ko kasi siyang makikitang magtatanghal sa stage, kaya lang mas maganda siguro yun kung ako ang accompanist niya,, balita ko Kasabay niya magtatanghal ang Orchestra Syllabus gusto ko din sanang mapabilang sa Grupong yun, kaya lang sa audition palang siguradong hihimatayin na ako.,, kainis bakit kasi ang hina ng loob ko,, hayyyst., habang hinihintay ang oras, naisipan ko muna bumaba sa Sala, Naroon ang Piano namin (upright) matagal na yun mula pa ata sa Mommy ng Lola ko dahil isa din siyang Pianista,, umupo ako at tinanggal ang Telang pula na nakapatong sa keyboard ng piano, ayos pa naman ang tunog naisipan ko muna mag warm up ng daliri,  Minuet in G Major ang naisipan kong tugtugin,, sa totoo lang paborito ko ang tunog nito, Nakaka Goodvibes.
Tuloy tuloy lang ang Pagtugtog ko, Hanggang sa mapagod ang aking mga Kamay.
Bilang isang Pianista, kapag hindi napagod ang mga daliri mo, ibig sabihin hindi mo binigay ang lahat sa Pagtugtog mo.
Teka hindi ko namalayan ang oras, halos alas dose na pala ng tanghali, Kailangan ng Mag saing ng kanin, kung hindi yari na naman ako kay Lola, Agad kong isinara ang Piano, at tumakbo sa Kusina, "Renz Renz,, tawag mula sa Bintana "sino kaya to? Sabay silip sa Bintana, ah School Mate ko pala si Lorraine isa siyang Violin Student, "Lorraine Halika, akyat ka, yaya ko sa kanya.. "Magandang Tanghali Renz, may pabor sana ako sa iyo sana pwede." pakiusap niya (Hayyst eh sino naman makakatanggi sa babaeng to eh ang cute cute parang Keychain, Tama kayo sa narinig niyo, medyo petite lang kasi siya pero bagay naman sa kanya. "ano ba yang pabor na yan?? Tanong ko. "manunuod ka ng Gala Mamaya diba? Baka pwede ako sumama please!!!! Hayyyst ayan na naman ang please ng cute na babaeng to, "sige basta wag ma malikot dun ah hahaha." bakas ang saya sa mukha ni Lorraine ng pumayag ako, "sige 5pm dapat nandito ka na sa bahay para sabaysabay tayo nila kevin pumunta dun, (sa totoo lang nadagdagan pa ako ng alagain ) teka medyo Fast Forward natin. (Shing!)
5pm dumating itong si Kevin, dala pa ang Kotse niyang kulay pula (Sports Car) "renz tara na, Ready na ako dala ko pa auto ko ah! Pagyayabang ng mokong. "ou nga eh, Talagang Nakapustura ka huh. Banat ko. "teka lang pala may isa pa tayong kasama hintayin natin muna  si Lorraine, yung school Mate natin, Violin Class siya. (makalipas ang kalahating oras)
"Renz! pasensya na na late ako. May inaasikaso pa ng konti." (wow Si Lorraine ba to, ang cute niya sa Suot niyang Black Lace Dress) "Hi Ikaw pala si Lorraine? Im Kevin pala Bff ni Renz." (ayan bumanat na ang chikboy ko na kaibigan.) "Nice to Meet you kevin, Banggit ni Lorraine. (sumakay na kami ng Sasakyan ni Kevin, siguro kung sa Jeep aabutin ng kalahating oras papuntang school, pero dito sa Auto ni Kevin baka mga 15mins lang andun na kami. Maayos ang takbo, tahimik ang lahat sa Kotse, nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. "Lorraine, bakit pala gusto mo manuod sa Gala Night? Tanong ni Kevin, "Dahil sa syllabus Orchestra Idol ko kasi sila gusto ko nga na mapabilang dun." tugon ni Lorraine na Halos kumislap ang mata sa paghahangad na mapabilang sa Syllabus Orchestra. (siyempre ako din naman) sa wakas narating din namin ang Music Hall, Tanaw sa labas ang mahabang pila "Ano!! Ang haba ng pila sana may maupuan pa tayo, pagsisiguro ni Lorraine, mula sa labas makikita ang mga Eleganteng tao, kung tumayo, at Manamit halatang mga Mayayaman, ganito ba talaga ang anyo ng musika?? Nakakakaba naman.! Renz! Sabay hawak sa Braso ko (si Lorraine pala para siyang Bata na Humawak sa Braso ko,,) "Renz, Pangarap ko din makapagtanghal dito,, Napakasaya ng Mukha ni Lorraine ng mga oras na yun dama ko na gagawin niya lahat makapagtanghal. "mangyayari yan basta Magsikap ka lang." Wika ko sa kanya. Hayan malapit na kami sa entrance ng Hall,. "Renz!! (isang Pamilyar na Boses nilingon ko sa likod) "Panuorin mo ako Mamaya ah,, Kinakabahan nga ako." (Grabe Si Angel pala naka Red Dress siya,, sobrang mas tumingkad ang Ganda niya. Napaka perfect niya talaga biglang lumakas ang tibok ng dibdib ko. "Ou naman I cheer kita mamaya galingan mo ah.," pagpapalaks ng loob ko kay Angel. Samantala, mukhang magsisimula na dahil pinapaupo na ang mga Guests, "Tara kevin at Lorraine, dun tayo umupo sa mas malapit." (teka anu kaya kinukuha ni Kevin sa Backpack niya. Ah,,, isang Dslr Camera pala, Mukhang hindi niya palalagpasin ang gabing ito na hindi niya Nakukuhanan ng Picture ang performance ni Angel. Nakaupo na ang lahat, Biglang bumukas ang Kulay pulang Kurtina sa stage hudyat iyon ng magsisimula na ang Programa.

MY MELODY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon