(Habang naglalakad)
Renz!!
(Si Lorraine pala)
Renz:
Uii Raine? Kamusta?Lorraine:
Ok naman ako Renz, ikaw?Renz:
Ayos din naman, medyo hindi ata ako nakatulog ng maayos kagabi.Lorraine:
Hala! Siguro may iniisip ka, ayiieh, sino ba yan Renz? May nagugustuhan ka na ba?(Loko to ah, bakit kaya bigla niyang natanong yun? Obvious ba?)
Renz:
Ikaw talaga! Wala naman, marami lang ako iniisip nitong mga nakaraang araw.Lorraine:
Hmm, Ganun ba? Siya nga pala nabalitaan ko na may Competition sa Piano na Gaganapin dito sa School. Sasali ka ba?Renz:
Hindi ako Sure eh, isa pa magagaling ang sasali dun sigurado.Lorraine:
Bakit naman!! Magaling ka kaya, kaya mo yan Renz, sumali ka.(ngayon naman pati si Lorraine, haha nadagdagan yung Pressure)
Renz:
Bahala na, sa totoo lang hindi pa din kasi ako makapag desisyon.Lorraine:
Sinasabi ko sa iyo to Renz, kasi nung nag Perform tayo ng Moonlight Sonata, ang Pagtugtog mo ay Parang talagang nanggagaling sa Puso, at hindi lang ako nakarinig nun, kundi ang lahat ng Tao na nandoon.(Tama si Lorraine, dapat ba ako sumali? Pero paano ko mapapatunayan ang sarili ko?)
Lorraine:
Renz, asahan ko yan ah, aasahan ko na sasali ka, ako Kapag nagkaroon ng Violin Competition tiyak sa sasali din ako.
Gusto ko kasi ikwento ang Musika ko sa lahat.Renz:
Sige Raine, Susubukan ko.Lorraine:
Wag mong subukan! Gawin mo! Oh siya sige Renz, babalik na ako sa Loob, naiwan ko kasi yung Violin ko dun eh.Renz:
Sige, Mag ingat ka, at kita na lang tayo, pag may Free time.(bumalik ako sa Paglalakad, at nagdesisyon na dumaan muna ng Music Room, upang makapag Warm up,)
Habang tinutungo ang Music Room
Isang napakagandang tunog ang nanggagaling sa loob nito, nangungusap ang bawat nota, pero sino? Si Eri kaya? Pero hindi ganun ang pagtugtog niya.
(nagmadali ako para tignan kung sino ang tumutugtog ng piano, unti unti akong sumilip, at laking Gulat ko kung sino ang aking nakita,, si.... . kyle.)
Napakaseryoso niya ng oras na yun, napakagaan ng tugtog niya, halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng marinig ko yun. Ngayon mas lalong lumakas ang kaba ko, ano ang ipanglalaban ko sa ganitong uri ng musikero?, dapat na ba akong umatras?!!
Sino ang Nandyan?!!! Pumasok ka!
(nahalata ata ni Kyle na may nanunuod, at tuluyan na akong pumasok ng Music Room.)
Renz:
Uii Kyle ikaw pala yan, anu pala ang tinutugtog mo? Ang Ganda ah.(sa pamamagitan nito mapapakalma ko ang Sarili ko.)
Kyle:
Ikaw pala Renz, sarili ko lang ang Komposisyon na iyon, hindi ko pa tapos.(Sariling Komposisyon? Pero panu? Napakaganda ng bawat nota.)
Renz:
Ayos! Mabuti ka pa may nasimulan na, ako wala pa, wala pa ata akong lakas ng loob para gumawa.Kyle:
Makinig ka Renz, alam ko kung saan pupunta ang usapan na ito, pero eto lang ang sasabihin ko sa iyo, hindi ako papatalo sa iyo, alam ko na sasali ka ng Piano Competition, kaya paghahandaan kita.
BINABASA MO ANG
MY MELODY (COMPLETED)
RandomIsang Kwento ng pagkakaibigan, pagkakaibigan na lumalim dahil sa musika.