Hayan, mukhang Magsisimula na nga,,, Bilang Panimula isang Ballet Dance ang Hinandog ng mga Students sa High School. Ang cute nila, Moonlight Sonata by Beethoven ang Napiling Song ng Ballet Group. "Renz!! Excited ka din ba?? (wait Bakit kaya natanong ni Lorraine yun?) "ahm Ou naman ikaw ba?? Pagtatanong ko din. "Ou sobra kasi first time kong Makanuod ng Gala Night dito sa Music Hall.
Biglang Humawak sa kamay ko si Lorraine (anu ba to? Bumibilis na naman Tibok ng dibdib ko"Teka Asan pala si Kevin?" pagtatanong ko kay Lorraine, na napabitaw sa kamay ko. "ang Alam ko punta daw siya sa Harapan para mapicturan yung mga Performance, " Ah kaya pala. (natapos ang Performance ng Ballet Group malalakas na Palakpakan ng mga Manunuod., "Lorraine mukhang sunod na ang Orchestra Syllabus, Diba Hinihintay mo din sila?? Tanong ko kay Lorraine na halata naman na ang orchestra Syllabus talaga ang pinunta niya dito sa Gala. "Ou nga Renz Grabe Bumibilis ang tibok ng Dibdib ko sobrang hinahangaan ko talaga ang orchestra na yun" (bakas sa mukha niya ang saya)Mc: Ladies and Gentlemen our Next performance from the Prestigious Orchestra in the Phillippines The Orchestra Syllabus
(Grabe ang Palakpakan Hindi magkandamayaw ang mga tao. Siyempre kahit na ako sila ang hinahangaan ko.)
Sa unang Kumpas palang Ng Conductor, Strings instruments kaagad ang Umiibabaw na Tunog, Ang tunog ng Violin, ang tunog ng Viola at cello halos perpekto ang lahat. Parang nag uusap.. Napakasarap sa tenga. Kung titignan ang lahat ng tao halos walang imik, halos lahat ay Seryosong nanunuod ng pagtatanghal.
Ang piyesa napakaganda,, Teka!! Piyesa ba ito ni Chopin?. Halos nanginginig ang buo kong katawan nakaka excite kung sino ang pianista sa number 44 measure ng piyesa.
Ayun. Teka Si Professor Britelda pala, Isa siyang Mahusay na Pianista nag aral pa siya ng Music sa Europa, siya pala Ang pianista ng orchestra syllabus ang galing.
Ang mga oras na yun parang hihinto ang oras, Parang Ninanakaw ang sandali ng lahat. (nilingon ko si Lorraine) halos hindi kumukurap ang mata niya, Seryoso siyang Nanunuod, teka! Luha ba yun? Tama luha nga bakit siya Naluluha dahil ba sa Performance ng Orchestra Syllabus?? Naiintindihan ko siya minsan mararamdaman ng isang musikero ang kagandahan ng piyesa na parang tumatagos sa puso.Sa Huling kumpas ng Conductor hudyat na matatapos na ang kanilang pagtatanghal. Napakalakas ng Palakpakan, Sigawan, At Hiyawan.
Sa wakas susunod na ang Performance ni Angel,
"Renz, nakita mo ba yun? Ang Galing nila Diba?? Gusto ko maging katulad nila, gusto ko ang musika ko ay Maging Bahagi ng tao.
Teka Seryoso ba to si Lorraine?? Parang ngayon ko lang siya nakita ng ganito.
"Ou naman, Basta kailangan mo lang magsikap magagawa mo yan Lorraine.," musikero tayo diba? Ayan na naman yung pagpapalakas loob ko.
Mc: our next performance from the Delta School of Music Performer no. 3 Miss Angel Garcia, Fluitist, Piece: Cannon in D From Pachelbel
Accompanist: Rexel De VillaAyan mukhang simula na. (tahimik na naglalakad si Angel na hawak ng kanang kamay ang kanyang Brass Flute, Slowmotion ang paningin ko) kasunod niya ang Accompanist niya. Lumakad siya ng marahan papunta sa Gitna, Nagsenyasan sila ng accompanist niya na hudyat na magsisimula na silang magtanghal.
"Go Angel, Go, Angel." Kaya Mo yan."" teka, sino yun nakaka destruct naman, Si Kevin pala, Mokong talaga to agaw eksena,, sinaway si kevin ng staff sa Gilid ng Stage, buti nga! Eksena kasi.
Inilapit na ni Angel ang flute sa kanyang labi mukhang magsisimula na,
First Note galing sa Accompanist napakagaan ng pag tipa, para akong Hinehele, Nakaka 5 measure na sila,
Sa wakas naririnig ko na ang Flute sakto ang Harmony, Ang Gaan parang Hangin, halos nagkakasundo ang piano at flute,,(Bumalik na naman sa akin yung pangyayari sa music room kung saan narinig ko din ang Parehong piyesa, pero magkaiba ang Pakiramdam.,, teka nagugulo ang isip ko, dapat naka focus lang ako sa performance ni Angel.)
At palakpakan ng mga tao, ang Nagpaalis sa iniisip ko, Ano? Tapos na?? Teka Yun na Yun?? Hayyst sa dami kong iniisip tapos na pala ang performance niya. Patawad angel, hindi ko napanuod ng maayos ang performamce mo.
"Renz, Ok ka lang? Tanong, Ni Lorraine, na mukhang kanina pa ako tinitignan. "Ou naman Lorraine ok lang ako, bakit mo naman natanong?? (sobrang gulo ng isip ko ng mga oras na yun) "Kanina pa kasi kita tinitignan, Mukha kang Balisa at may iniisip napaka lalim ng bugtong hininga mo. "Ganun ba,? hindi ko din alam may sumagi kasi bigla sa isip ko.
Teka Tara, Lorraine punta tayo sa Backstage, i congrats natin si Angel, "Sige Renz, Ang Galing din ng Performance nila, ayun si Kevin oh, Yayain na din natin. (Tumakbo si Lorraine upang Yayain itong si kevin na pumunta sa Backstage.
Tatlo kaming Pumunta ng Backstage, para batiin itong si Angel, teka, May Kausap pala siya, At mukhang masaya siya, hindi muna kami lumapit kay Angel, dahil hinihintay namin na mapag isa siya.
Renz, Kevin,!! Pero mukhang nakita na kami ni Angel,, (Sabay Lingon ng Babaeng kausap ni Angel, teka Si,, Si,, Eri?? Ms Paniraw.)
"Ui Guys, napanood niyo ba ang performance ko kanina?? Kamusta?? (Tanong ni Angel)"Grabe ang Galing niyo, Nakaka Inlove yung tunog, Wika ni Kevin na Halata naman na nagpapa Goodshot kay Angel.
"Ou Tama si Kevin ang Galing galing niyo kanina, si Lorraine naman ang Bumati.
Pero bakit ganun? ako wala akong masabi, Dahil ba hindi ako nakafocus kanina sa performance niya? Alam ko na sasabihin ko na lang na Ok ang performance nila kanina. Kasalanan kasi ni Eri to, kung hindi dahil sa parehong piyesa na yun, sobrang gulo ng utak ko.
"Ah Angel, Napakagaan ng pagtugtog mo kanina, pati ang accompanist mo ang galing din (tama play safe na lang sagot ko.)
"Salamat Renz (Hinawakan ni Angel ang Kamay ko, Ng mahigpit, teka Bumibilis na naman amg tibok ng puso ko.)
"Alis na Ako, Gel, Salamat sa Pag invite sa akin, paalis na wika ni Ms Paniraw, (Teka ibig sabihin Si Angel pala ang Nag invite sa kanya dito sa Gala.
Ng Gabing iyon iba iba ang Naramdaman ko mula sa Pagtatanghal ng mga Balerina, Ang Nakaka amaze na performance ng Orchestra Syllabus at Cannon in D performance ni Angel.
Ganito ba kakulay ang musika? Ganito ba kalawak ang Emosyon ng mga musikero?? Isa lang ang masasabi ko nadadala tayo sa ibang mundo ng musika.
BINABASA MO ANG
MY MELODY (COMPLETED)
DiversosIsang Kwento ng pagkakaibigan, pagkakaibigan na lumalim dahil sa musika.