SPECIAL FRIEND

17 6 0
                                    

Ang Gabing iyon ang tumapos ng lahat. Ang Pagkakaibigan na pilit kong iningatan, at ang Babaeng Importante sa buhay ko, lahat ng iyon ay nawala.

(Nagpasya akong hindi na lang muna pumasok sa School, Gusto kong dalawin si Kate sa Hospital, pero bago yun kailangan ko muna magsulat ng piyesa, noon akala ko na ang My Melody ay puno lamang ng kasiyahan, pero hindi pala, nais kong iparamdam din sa piyesang ito ang Lungkot na nararamdaman ko  Lungkot na hindi mo malilimutan.
Tama! Ganun naman talaga ang buhay hindi palaging masaya.)

Makalipas ang ilang oras

Nagpasya akong lumiban sa klase at pumunta muna kay Kate, kamusta na kaya siya? Sana ok lang siya, habang papasok ng Hospital, magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko, sa wakas nandito na ako sa labas ng Room niya, medyo tahimik ang Lugar, baka naman nagpapahinga pa si Kate, mukhang Wrong timing ang punta ko ah.

RENZ?

(Isang Tinig mula sa aking likuran)

Renz:
Kate?

Kate:
Anung ginagawa mo dito? Diba may Pasok ka ngayon?

Renz:
Ano kasi eh! Tinatamad akong pumasok ngayon.

Kate:
Ganun ba? May nangyari ba? Nakakagulat kasi na dito ka pumunta.

(ayokong malaman ni Kate ang Totoo)

Renz:
Huh? Ano, siyempre Kanina kasi may pinuntahan akong lugar malapit dito, kaya nag decide akong daanan ka na dito.

Kate:
Ah Ganun pala! Halika sa Loob,

(pumasok kami ng Room ni Kate, maaliwalas ang Room niya, parang ordinaryong kwarto sa bahay, mukhang halos dito na nakatira si kate ngayon sa Hospital)

Renz:
Kamusta ka naman kate?

Kate:
Eto ayos lang naman, nagpapalakas, kakatapos nga lang ng Therapy ko. By the way kamusta na ang "My Melody" mo? Nakakagawa ka ba ng Titik at musika?

Renz:
Sa Totoo lang meron na akong 5 pages na naisusulat, pero mukhang Hindi ko matatapos.

Kate:
Sabi ko na nga ba! May nangyari noh?

(mukhang mahirap magtago kay Kate ng totoo)

Kate:
Pero kung ano man yan, maayos din yan Renz, kaya wag kang mag alala.

Renz:
Ah! Ou naman kate, maayos din ito, ako pa ba?

Kate:
Tama yan dapat positive lang palagi. Alam mo Renz, nung una na nalaman ko na may Sakit ako, halos pakiramdam ko mawawala na sa akin ang lahat, palagi akong malungkot, walang ginagawa kundi mag mukmok, at hinihintay na lang ang araw na matapos. Pero,  halos araw araw nakikita kong umiiyak si Mommy, ang sakit nun sa pakiramdam Renz.

Renz:
Kate?

Kate:
Pero nung oras na marinig kitang Tumugtog ng Moonlight Sonata sa Hindi inaasahang Pangyayari, nabuksan ang isip at Puso ko, nasabi ko sa aking sarili, na kailangan kong lumaban, ibinalik ko ang Kate na masayahin, at matapang.
At nakilala kita, masaya ako at walang pinagsisihan sa mga Desisyon ko.

(habang tumatagal, lalo akong napapahanga ng Babaeng ito, isa siyang Special na Kaibigan)

Renz:
Tama yan Kate, Magtiwala ka lang at maging matapang.

Kate:
Kaya Renz, sana ikaw din.

Renz:
Huh? Anong ibig mong Sabihin?

Kate:
Sana anu man yung mangyari sa iyo, manatili kang Lumalaban,  wag mong pagsisihan ang mga Desisyon mo, at higit sa lahat maniwala ka sa Sarili mo.

MY MELODY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon