Buddy

54 12 0
                                    

Habang Naglalakad ako pauwi, Medyo magaan na ang pakiramdam ko, Dahil ba to kay Eri? Teka kamusta na kaya siya? Talaga bang ok na siya?, siguro Maganda na din ang nangyaring yon sa Music Room atleast nagkakilala kami ng Maayos, Sana mas maging close pa kami,, ou nga pala siya nga pala ang Buddy ko sa Music Camp sa Sunday.

(Pagpasok ko ng bahay)
Renz! apo halina Kumain na tayo, hay naku eto na naman si Lola naglalambing na naman,
(sabay kami kumain ni Lola ng hapunan paborito ko na naman ang kanyang niluto sinigang na Hipon., Siyempre may konting Kwentuhan, na kwento ko nga sa kanya yung nangyari sa Music Room kanina.)

(Makalipas ang ilang oras)

Oras na para matulog, nagpunta na ako sa Kwarto ko, Teka! Mag online nga muna ako siyempre isa sa libangan ko bago matulog ang magbasa ng mga Memes sa Facebook haha nakakawala ng stress.

Ano toh! Uploaded na pala ang mga pictures namin ng Gala, ayos siguro mga apat lang ang kuha ko, stolen shots pa yung dalawa. halos lahat kay lorraine at Angel., loko talaga tong si kevin, haha napaghahalataan na Chikboy,.

1 message Request sa Messenger ko teka sino kaya to,

Hi Renz, Salamat ulit kanina, sa totoo lang nakakahiya yun na makita akong ganun ang itsura ko sa Music Room, salamat at sinamahan mo ako, pasensya na kung Nag skip ka tuloy ng Subjects dahil sa akin.
Nasabi nga pala sa akin ni Kyle Kanina, na ikaw daw ang Buddy ko sa Music Camp sa Sunday? Sana hindi ako maging abala sa iyo lalo na sa mga Activities na Gagawin, hindi kasi ako yung tipong Athlete ang dating.
Salamat ulit at Magandang Gabi

Eri Rose

(teka, bakit ako nakangiti habang binabasa ang message niya?)

Teka Magrereply lang ako

"Hi Eri, wala yun kahit sino naman, ganun ang Gagawin, isa pa Mabuti na lang at napadaan ako sa music room, kung hindi baka kung anu pa ang mangyari sa iyo :)
Isa pa May sasabihin ako sa iyo wag ka sana magagalit ah? Nung una talaga asar ako sa iyo dahil akala ko masama ugali mo, naalala mo yun? Kaya everytime na nakikita kita naiinis ako sa iyo. Pero dahil sa pangyayari sa music room mas nakilala kita.
Wag ka mag alala ako bahala sa iyo sa Sunday Buddy right? :)

(Message Sent)

Teka Inaantok na ako, Siguro tulog na din siya, Mabuti pa matulog na din ako
(nang isasara ko na ang laptop ko, another message from eri)

Eri:
Grabe ganun pala first impression mo sa akin hahaha, sorry talaga ah, medyo wala lang ako sa mood ng mga oras na yun. Isa pa nag aalala ako na ma late sa class.
Talaga Buddy ikaw bahala sa akin sa sunday??
Yehey salamat.
Kita na lang tayo bukas Buddy sa School Goodnight Sweet Dreams buddy

Renz:
Goodnight see you bukas.

(wow mukhang ok ang araw na ito ah, parang ang daming nangyaring maganda. Sige see you bukas Buddy.)

Itinabi ko na ang laptop at nilapat sa kama ang aking katawan kasabay ng pagpikit ng aking mata, isang magandang araw na naman salamat Lord.

(Kinabukasan)

Naglalakad ako sa Facility ng school, papunta sa Room,

"Renz, Dude? Nakita mo na uploaded na pictures natin nung Gala ah, Salubong ni Kevin sa akin.

"Ou naman Halos dalawa lang nga ang matino kong pictures. Dalawa stolen pa, Pero salamat pala dun. Wika ko na medyo naiirita

"Hahaha Eh kasi naman ang Ganda talaga ni Angel my love kaya halos lahat ng shot ko siya. Patawad naman my friend, alam ko na Treat na lang kita, tara punta tayong Canteen, (teka Pampalubag loob ba yun?? Pero dahil gutom na ako sige payag na ako)

MY MELODY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon