Umaga ng Lunes, sa parehong scenario, siyempre Papasok na naman ng School, teka parang kulang ako sa tulog ah, napuyat na naman kagabi.
Teka, ngayon ko pala dadalhin yung Rose para ibigay kay Eri
Dali dali akong bumaba para i check ang rose na nakababad sa Vase, mukhang ok pa naman.
Medyo excited ako hindi dahil sa Rose kundi classical class namin ngayon kay Mr Ramirez.
Teka, asan pala ang Cellphone ko? Ah, naiwan ko pala sa Kwarto,
1 message Received from Kevin
Dude!! Kita tayo sa school mamaya, may papakilala ako sau na Chix, naalala mo si Dianne? Yung kababata natin? Magkikita kami mamaya kita kits ah.
(hay naku eto na naman itong mokong na to, pag sa babae talaga ang galing eh.)
Mabuti pa mag prepare na ako, siguro sa likod na lang ako dadaan para hindi ko makita ang mokong na to.
Teka may isang message pa pala
Hello Renz, si Lorraine ito, may Favor sana ako kita tayo sa school mamaya nakuha ko pala number mo kay Kevin.
(aba, ang Famous ko naman daming gustong makipagkita sa akin ngayon)
Mabuti pa maghahanda na ako para pumasok.
Lola:
Hindi ka ba mag aagahan apo?
Renz:
Sa school na lang siguro Lola, ma late kasi ako, sige po alis na ako.
Dahil Alam kong kakapusin sa oras sumakay na ako ng jeep, alam mo na? Bawal ma late eh.
Pagdating sa gate, mukhang wala namang lorraine or kevin na naghihintay, buti naman,
Maya maya
Reenz!!!
Teka si...
Angel:
Kamusta nagustuhan ba ng lola mo yung Flowers?
Renz:
Ah ikaw pala Angel, ou Sobra salamat dun ah.
Angel:
Wala yun, diba nga Thank You Gift ko sau yun, dahil sinamahan mo ako? Isa pa Napapayag din kasi kitang Tumugtog nun.
Renz:
Ou nga eh, siguro na miss ko lang ang Piano at excited lang na tumugtog.
Angel:
Siguro nga, pero yung ngiti mo talaga na yun, eh para kanino ba talaga?
(ano? Eto na naman yung Tanong niya, teka parang naiipit ako sa sitwasyon.)
Angel:
Dibale na nga, wag mo ng sagutin, oh sige pasok na ako, see you around.
Renz:
Sige.
(salamat naman, nakahinga na ako ng malalim)
Habang naglalakad ako papuntang Room,
Renz!! Renz!!teka, si Lorraine pala
Lorraine:
Renz, na received mo ba message ko sau?
Renz:
Ou, pasensya na hindi ako nakapagreply
Lorraine:
Ok lang, may favor sana ako sau.
Renz:
Teka ano ba yan? Nakakakaba naman.
Lorraine:
Na invite kasi ako tumugtog sa isang event, kahit isang piece lang daw.
Renz:
Oh, Nice!! Tapos anong favor,,?
Lorraine:
Pwede ka ba na maging Accompanist ko?
(ano? Bakit ako? Patay mukhang first time ko to na mag accompanist)
Renz:
Teka anong piyesa ba?
Lorraine:
Moonlight Sonata by Beethoven
(teka!! Bakit yun? Madami namang piece, bakit kaya yun ang piece na napili niya? Weird)
BINABASA MO ANG
MY MELODY (COMPLETED)
De TodoIsang Kwento ng pagkakaibigan, pagkakaibigan na lumalim dahil sa musika.
