Introduction

8.6K 318 25
                                    

Masuwerte ang mga tao na inabutang buhay ang kanilang mga grandparents, ang kanilang Lolo at Lola

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Masuwerte ang mga tao na inabutang buhay ang kanilang mga grandparents, ang kanilang Lolo at Lola. Na nakilala nila ang mga ito bilang mababait na tao (kadalasan nama'y ganoon, hindi ba?), ang nanay at tatay ng kanilang nanay at tatay, at nabahagingan ng magagandang mga aral at kuwento. Ah, kuwento. Mas masusuwerte iyong may mga lolo at lola na binasahan sila ng mga kuwento, ng mga fairy tales mula sa libro, o kaya'y mga naisaulo na nila. Na ayon kay Lolo at Lola, ay mga kuwento na ipinasa pa sa kanila ng mga naunang ninuno.

Mga kuwentong kababalaghan, minsa'y katatawanan, at mayroon ding mga katatakutan, na sa kahuli-hulihan ay may moral lesson. At matapos ng kuwento, ang mga bata'y masayang hahalik ng paalam kina Lolo at Lola (kadalasan ay Lola) para matulog, at maiiwan sa kanilang mga mukha ang kasabikan sa susunod pang mga kuwento. Lola, sa uulitin ha.

Siyempre, hanggang sa kalakihan nila ito o kaya'y yumao sina Lolo at Lola (kung anuman ang mauna). Na sa paglaon, ay makakalimutan din nila ito. Makakalimutan ang mga kuwento. Makakalimutan sina Lolo at Lola. Sila'y magsisilbing mga ala-ala na lamang sa litrato. At lalakad ang panahon. Nguni't may mga pagkakataon, hindi mo inaasahan, na bigla mo na lamang silang maaalala. Marahil may mga bagay ka na makikita, marahil taong kamukha nila, damit na suot nila, abaniko na gamit nila, o isang awitin na kanilang kinanta sa iyo noon. At maaalala mo sila, hirap mo mang ilarawan ang kanilang mukha.

At sa iba, maaalala nila ang mga kuwento nina Lolo at Lola.

Ito ang kuwento ng nobelang ito. Kuwento ito ni Sam, o Samantha, na umuwi sa tahanan ng kanyang Lolo at Lola para pagalingin ang sugat sa kanyang puso. Maalala niya ang mga kuwento sa kanya ng kanyang Lola...ang mga kuwentong katatakutan. Sa paglagi niya sa bahay na iyon, ay unti-unti niyang madidiskubre ang mga sikretong nakatago roon, at lalabas ang mga katanungan na hindi niya inaasahang itatanong.

Paano kung ang mga kuwento pala'y tutoo?

Ito ang aking ika-sampung nobela. Sana'y magustuhan ninyo. Salamat sa pagbabasa.

***

Copyright © 2020 All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

Ang Banga sa SilongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon