Chapter 20: Ang Kuwento ng Batang Ayaw Matulog

2.6K 223 22
                                    

DAY 7

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DAY 7

Kinabukasan ng umaga ay may dumating na mga electrician para ayusin ang kable ng kuryente na ipinaliwanag nila Sam na maaaring naputol gawa ng malakas na hangin. Baka raw ipo-ipo sabi naman ng mga electrician pagka't nagkalat ang mga dahon at nabaling tangkay sa paligid. At dito lang daw sa area nila pagka't wala silang nadaanan na sinalanta ng hangin.

Naayos naman nila agad ang linya ng kuryente at inabutan sila ni Sam ng konting pera at pinainom ng juice. Pagkatapos ay umalis na rin ang mga electrician.

"Kumusta diyan sa taas?!" sigaw ni Sam.

"May mga crack!" sigaw pabalik ni Rommel.

Nasa bubungan ang handyman at tinatapalan ng vulcaseal ang yerong bubungan. May mga nag-crack na parte dahil sa pagdamba ng mangkukulam doon. Chineck din niya ang chimney, sa paligid nito'y may bakas ng mga sunog na piraso ng damit.

"Okay na?" tanong ni Sam habang bumababa ng ladder mula sa bubungan si Rommel.

"Okay na."

"Uminom ka muna ng juice," inabot ni Sam ang baso ng orange juice kay Rommel. Pinunasan pa niya ng towel ang leeg nito.

Sa may front porch ay naroon si Aaron at napailing nang makita iyon.

High lang ang bata sa nangyari kagabi, ka-chat niyang mga kaibigan at kinukuwento sa kanila ang kanyang na-experience. Totally scary, dudes. +100,000 XP defeating witches haha.

Maya-maya'y narinig ang busina.

Dumating ang Revo maneho ni Jane.

Masayang bumaba si Aaron para buksan ang gate, si Misty kasunod niya.

"Anong nangyari dito?" pagbaba ni Jane ng sasakyan at nakita ang harapan ng bahay na kalat ng mga dahon, tangkay, at mga basura pa. Niyakap siya ni Aaron at humalik.

"Attack of the mangkukulam," sabi ng bata.

"Mangkukulam?"

"Tara, mag-breakfast muna tayo, ate," yaya ni Sam.

***

"So 'yung dalawang mangkukulam ay sina aleng Agatha at Lucia..." sabi ni Jane. "At mga tiyahin mo Rommel?"

Nasa kusina sina Jane, Sam, Aaron at Rommel. Ang agahan nila ay orange juice at pancakes. May tasty bread din at mga palaman. Alas-8:40AM sa relo.

"Kapatid sila ng tatay ko," pagkumpirma ni Rommel.

"Anong kailangan nila? Bakit nila inatake ang bahay?"

Napatingin lahat sa handyman para sa kasagutan.

"'Yung litrato na pinakita mo sa akin..." lingon ni Rommel kay Sam.

"'Yung selfie?"

"Oo."

"'Yung itim na lalaki sa litrato?"

Ang Banga sa SilongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon