Chapter 15: Photos

2.7K 220 45
                                    

Mula sa silong ay agad na nagtungo sina Sam at Aaron ng kanilang kuwarto kung saan nilabas ni Sam ang kanyang maliit na laptop para mag-research

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mula sa silong ay agad na nagtungo sina Sam at Aaron ng kanilang kuwarto kung saan nilabas ni Sam ang kanyang maliit na laptop para mag-research. Si Rommel ay bumalik sa likuran para ayusin ang hose gamit ang interior ng gulong na natagpuan ni Aaron. Nag-agree sila na huwag sabihin kina Lola Edna at Lolo Charlie ang tungkol sa nakita ni Aaron sa loob ng silong, ang banga, ang mga itim na mga kamay na lumabas mula roon.

"Ano kaya 'yon, Tita?" nag-iisip na tanong ni Aaron na nakaupo sa ibabang kama ng double deck. "Ano 'yun nakita ko sa palayok?"

Si Sam ay nakaupo naman sa maliit na study table gamit ang kanyang laptop.

"Unang-una, banga ang tawag doon," sabi ni Sam.

"Banga?"

"Oo, palayok 'yung pinapalo ng stick tuwing fiesta na may mga candy sa loob."

"Ah, oo nga!" pag-realize ni Aaron.

"Pangalawa, 'yung nakita mo sa banga," patuloy ni Sam. "Baka spirit 'yun o multo..."

"Multo?" pagtataka ni Aaron.

Ayon sa mga nabasa ni Sam, may iba't-ibang ancient traditions sa bansa ukol sa paglilibing ng mga patay. Tulad ng "Hanging coffins" sa Sagada, Mountain Province kung saan ang mga kabaong ay nakatali sa gilid ng mountain cliff para raw mas malapit sa langit ang mga patay. Sa Cavite naman, nilalagay ang mga bangkay sa loob ng hinukay na katawan ng puno.

"Ganito ba 'yung nakita mo?"

Sa screen ng laptop, pinakita ni Sam ang litrato ng isang banga na kulay brown or earth, at may takip sa ibabaw. May mga pinta at ukit na disenyo ito na parang mga alon sa dagat.

"Parang..." tumayo ng kama si Aaron para tignan.

"Isa 'yang burial jar," sabi ni Sam. "Tawag d'yan ay Manunggul Jar."

Ang Manunggul Jar ay nadiskubre ng sikat na anthropologist na si Robert B. Fox sa Tabon Caves sa Palawan, kung saan din niya nadiskubre ang mga buto ni Tabon Man, na tinaguriang isa sa pinakaunang tao sa Pilipinas. Isang ancient practice na ang paglilibing ng mga patay sa loob ng banga hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang parte rin ng mundo.

"So, Tita, Mananggul Jar iyong nakita ko?" manghang sabi ni Aaron.

"Well, not exactly," sabi ni Sam. "At Manunggul, hindi Mananggul na parang manananggal. Nag-iisa lang ata ang Manunggul Jar, pero ang jar na nakita mo ay for sure, isang burial jar."

"Cool!" masayang bulalas ni Aaron. "Pero, bakit meron n'yan sa ilalaim ng bahay?"

"'Yan ang magandang tanong," pag-isip ni Sam.

Bakit nga mayroon noon sina 'Lo at 'La? Sino ang naglagay noon sa silong? Matagal na ba iyon na nakabaon? Ang isa pang matinding tanong ay kung sino ang nakalibing sa loob ng banga. Kinilabutan sila nang maisip iyon. Kung sino man ang nakalibing sa banga sa silong ay siyang gumagawa noong ingay sa hatinggabi.

Ang Banga sa SilongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon