Nanlaking mga mata ng lahat nang makitang winasak ng demon witch ang kanilang mga proteksyon, ang Witch Circle, ang mga kuwintas na obsidian.
"Nasaan na ang diyos n'yo?" aniya. "Nasaan na ang mahika n'yo?"
Hindi alam nina Jane, Jim, Aaron, Hannah, Jules at Greg kung anong gagawin. Nagsipagatrasan silang lahat nang humakbang palapit ang demon witch. Napayakap si Aaron sa kanyang mga magulang na tinago siya sa kanilang likuran.
"Binigo nila kayo," patuloy ni Abaddon, ang kanyang dalawang itim na mga dila ng ahas ay nagsasayaw sa hangin at nagtatalsik ng itim na laway. "Ng inyong diyos, ng inyong spellcasters."
At si Rommel, na siyang nagbigay sa kanila ng mga proteksyon, at nag-cast ng spell na apoy, ang Element of Fire na lumipol sa locust swarm ay ngayon ay tila wala nang lakas. Na-drain sa ginamit na magic.
Pinulot ni Hannah ang crucifix at tinapat sa demon witch.
"Fuck you!" sigaw ni Hannah.
Pero, sa isang galaw lang ng daliri ng demon witch ay nag-apoy ang crucifix at nabitawan ni Hannah. Napaatras ang psychic hawak ang napasong kamay.
"HANNAH!" sigaw ni Jules.
Dinampot ni Jim ang poker at sumugod pero sinalo lang ng demon witch ang poker at hinawakan siya sa leeg.
"Kanina mo pa gustong gawin 'yan, hindi ba?" sabi ng demon witch. At itinaas si Jim sa ere. Hindi maalis ng lalaki ang pagkakahawak sa kanyang leeg.
"JIM!" sigaw ni Jane.
"PA!" sigaw ni Aaron.
Hindi makahinga si Jim. Nagsimulang magiba ang kulay ng kanyang mukha.
Nang biglang humiyaw ang demon witch sa sakit.
Si Rommel na nakadapa sa sahig, sinaksak niya ang demon witch gamit ang bakal na pocket knife. Umuusok ang patalim na nakabaon sa binti ng demon witch at nabitawan niya si Jim na lumagpak sa sahig at gumapang palayo.
Mula sa likuran ng demon witch ay lumabas ang mahabang kulay itim na buntot na parang sa ahas at hinugot ang pocket knife at ibinato. Muntik tamaan sina Hannah at Jules, mabuti't nakailag sila at ang patalim ay tumusok sa kahoy na pader. Tapos ay pumulupot ang buntot sa leeg ni Rommel at siya naman ang itinaas sa ere.
Walang magawang tulong ang iba. Kita ng demon witch ang takot sa kanilang mga mukha.
"Iniisip n'yo bang sana naririto ang dalawang matandang mangkukulam?" tanong niya. "Tingin n'yo ba makakatulong sila?"
Walang silang maisagot. Nguni't nang marinig iyon ay napangiti si Rommel na hawak pa rin sa leeg ng itim na buntot.
"Bakit ka nakangiti?" pagtataka ng demon witch.
BINABASA MO ANG
Ang Banga sa Silong
HorrorUpang makalimutan ang masakit na break-up ay naisipan ni Samantha na magbakasyon sa bahay ng kanyang lolo at lola sa Baguio. Hindi magtatagal ay madidiskubre ni "Sam" ang malagim na sikretong nakatago roon sa ilalim ng madilim na silong.