Epilogue

2.4K 207 19
                                    

Hawak ni Lola Edna ang kahoy na kahon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hawak ni Lola Edna ang kahoy na kahon. Nakaupo sa sofa, ang liwanag ng parating na umaga ay sumisilip sa bintana ng kuwarto ng ospital. Ipinasok niya sa loob ng kahon ang ginawa niyang manika, ang putol na daliri na nakatali roon ay kumulubot na't natuyo. Dahil doon, ay alam nila ni Lolo Charlie na nagwagi sila Sam at iba pa sa dimonyong si Abaddon.

Napangiti si Lola Edna at sinara ang kahon. Tumayo siya't tumabi kay Lolo Charlie at sila'y naghawak ng mga kamay.

"Marami pang haharapin na pagsubok si Sam," sabi ni Lolo Charlie.

"Oo, Charlie, lalo na sa parating na malaking laban," sang-ayon ni Lola Edna. "Pero, alam nating hindi siya nag-iisa."

Maagang bumista sina Sam, Jane, Jim at Aaron sa ospital para ibalita kina Lola Edna at Lolo Charlie ang nangyari. Natuwa ang dalawang matanda na natapos na rin ang lahat. Nami-miss na raw ni Lola Edna ang bahay at gusto nang umuwi, pero pinayuhan siyang manatili pa ng saglit sa ospital. Medyo magulo pa sa bahay, 'La, sabi ni Jane. Na naroon daw sina Rommel, Hannah, Jules at Greg at may konting inaayos lang.

Of course, maraming ipapaayos sa bahay. Hindi lamang ang dalawang electrician ang bumalik para ayusin ang kawad ng kuryente, kundi'y may mga dumating din na mga trabahador para palitan ang nasirang mga pintuan, bintana at ang butas sa sahig ng silong.

Iniwan nila ang banga sa pangangalaga ng mga madre, na ibinaon ito sa isang crypt sa ilalim ng kumbento. Nangako si Madre Superior na magiging ligtas doon ang banga sa matagal na panahon. Tama rin sila ng hula na siya'y malaki ngang babae.

Sa kaso naman ng parapsychologist at psychic, naisipan nina Jules at Hannah na mag-team-up at ipagpatuloy ang gawain nila bilang mga paranormal investigators. At wala ng pro bono. Babalik silang Manila at doon maghahanap ng mga kliyente. Niyaya nila si Greg na sumabay sa kanila pauwi, at bago sila lumarga ay binigay ni Greg ang blessings niya kina Sam at Rommel. We'll always have San Francisco, ngiti ni Greg kay Sam, minus ang isang ngipin niya sa harapan. Nagkamay ang dalawang lalaki sa buhay ni Sam.

May ilan pang natitirang araw sa bakasyon ng pamilyang Jane, Jim at Aaron at inispend iyon ng mag-asawa sa kanilang "second honeymoon." Sikat na sikat naman si Aaron sa kanyang game league sa kanyang na-experience. Inubos ng bata ang bakasyon niya sa pakikipaglaro kay Misty at may ilang bagay siyang natutunan kay Rommel, isa na ang paggawa ng love potions. Patuloy rin ang correspondence niya kay Jules.

At si Sam?

Tinapos niya ang kanyang Eat, Pray, Love tour on a high note.

"Friend, may good news ako!" malakas na sabi ni Viv sa cellphone.

"Ha? Ano 'yon, friend?" tanong ni Sam.

"Darating si Shawn!"

"So?"

"So, nag-file ako ng leave," sabi ni Viv. "Bibisitahin ka namin diyan!"

Natuwa si Sam na makikita niyang kanyang best friend kasamang afam nitong boyfriend na DJ daw. Sumubo siya sa kinakain niyang chocolate sundae. Napatakan ng kaunti ang suot niyang olive green na jacket at kanya itong pinahid.

"Tamang-tama, " aniya. "Maraming lilinisin sa bahay. Kailangan namin ng DJ-anitor."

"He..he.." sabi ni Viv. "Speaking of, sorry, friend, hindi makakasama 'yung friend niyang si Johnny, 'yung sini-set up ko sa 'yo."

"Okay lang," ngiti ni Sam. "Happy na ko."

"Kayo na?!" gulat na bulalas ni Viv sa phone.

"Yes, official na," confirm ni Sam. "Hindi mo ba nakita fb status ko?"

"OMG! Congrats!" sigaw pa ni Viv. "Oh, siya, see you soon, friend!"

"See you soon," paalam ni Sam at binalik ang cellphone sa kanyang shoulder bag, sa loob may mga bago siyang biniling mga libro. Sa tabi niya sa park bench, nakapatong ang mga grocery bags.

May ningning ang tubig sa lake ng Burnham Park. Maganda ang sinag ng araw. Maraming mga bangka na sakay ay mga magkasintahan. Sa damuhan, naroon ang mga magsyota na aalukin ng bulaklak ng mga vendor. Hindi nalalayo sa kanila ang pares na bumibili ng hilaw na mangga, at siyempre nariyan ang magkasintahang nagse-selfie.

Napangiti si Sam.

At inubos ang kanyang chocolate sundae habang sinagot ang text ni Rommel.

END.

Ang Banga sa SilongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon