"Abbadon is the angel of the abyss...the king of the bottomless pit..." basa ni Aaron sa kanyang cellphone. "Astig! May Magic card ako nitong Bottomless Pit!"
Nasa likuran ng bahay sila nina Sam at Jane. Katabi ng gripo kung saan nakakabit ang water hose—dito kung saan pinanood ni Sam si Rommel mula sa may kusina, at nag-daydream ng mala-Adam Levine na music video. Malapit doon ang laundry area kung nasaan ang washing machine.
Pang-isang linggo lamang ang dinalang mga damit ni Sam at kinailangan na niyang maglaba. Tinali niyang kanyang buhok at naka-t-shirt, shorts at tsinelas lamang. Maingay ang malaking washing machine na may kalumaan na, yumuyugyog tuwing umaandar. Naisip nina Sam at Jane na maghati at ibili ng bagong washing machine ang kanilang 'Lo at 'La after nilang makabalik ng ospital.
At after nilang malutas ang problema ng mga mangkukulam.
At ng dimonyo sa banga.
Si Aaron ay nakaupo sa kalapit na damuhan at nagre-reasearch sa internet ng kanyang cellphone. Nasa may likuran niya si Jane na nag-e-fb habang si Misty ay paikot-ikot na naglalaro sa paligid ng bahay.
Sa tabi ng washing machine ay may lababo kung saan nagkukusot si Sam sa maliit na planggana—kanyang mga underwear. Nag-ring ang kanyang cellphone na nasa taas ng lababo, pinunasan niyang isang kamay na may sabon at tinignan kung sinong tumatawag. Si Greg.
"Ano pang sabi?" aniya kay Aaron. Hindi niya sinagot ang tawag, kundi'y nilagay sa mute ang cellphone at binalik kung saan ito nakapatong.
"In the Bible, Abbadon is both a place and a fallen angel," patuloy ni Aaron. "In the Book of Revelation, Abbadon or Apollyon in Greek, means the destroyer, king of a plague of locusts. Locusts, Tita?"
"'Yan 'yung parang mga grasshoppers ata," sabi ni Sam.
"O tipaklong?" sabi ni Jane.
"Balang..." napatingin sila nang lumapit si Rommel na galing sa pagdidilig sa gulayan at dala ang malaking basket.
Tama ang handyman. Locust sa Tagalog ay Balang.
"Parang Barang!" excited na sabi ni Aaron. "Astig!"
"'Wag ka ngang excited, Aaron!" saway ni Jane sa anak. "Nangiimbita ka ng kasamaan eh! Tigilan mo na ang side comment at magbasa ka na lang, okay?"
"Okay, fine!" sabi ng bata.
"Pareho lang ang tipaklong at balang, 'di ba?" tanong ni Sam.
"Locust ay kulay brown, ang tipaklong naman green," sagot ni Rommel. "Ang locust ay mga tipaklong na nagtitipon-tipon para manira ng mga tanim."
"Locust Swarm!" bulalas ni Aaron. "May card din ako n'yan. One green mana to regenerate!"
"At bawas-bawasan mo na 'yang mga fantasy nerd games mo," muling saway ni Jane sa anak. "Kung anu-ano na ang nasa utak mo. Kayo ng daddy mo."
BINABASA MO ANG
Ang Banga sa Silong
HorrorUpang makalimutan ang masakit na break-up ay naisipan ni Samantha na magbakasyon sa bahay ng kanyang lolo at lola sa Baguio. Hindi magtatagal ay madidiskubre ni "Sam" ang malagim na sikretong nakatago roon sa ilalim ng madilim na silong.