"Ghost hunters? Paano tayo matutulungan ng mga 'yan? Hindi naman multo problema natin."
"'Yung nakausap ko, Tita," excited na sabi ni Aaron. "Kilala niyang lahat ng mga demons! Kabisado niya! Kilala nga niya si Abaddon eh!"
"Kaya n'ya bang i-cast out si Abaddon?"
Napahawak ang bata sa kanyang baba.
"Hindi ata," kanyang iling. "Isa daw siyang ah...parasy...ah..."
"Parapsychologist?" pagbuo ni Sam.
"Yon!" ngiti ni Aaron. Nagpatulong siya kay Sam sa spelling para mai-Wikipedia na ang Parapsychology ay ang study ng psychic phenomena tulad ng extrasensory perception o ESP, telepathy, psychokinesis, psychometry, at mga apparitions (i.e. ghosts). Mga terms na ngayon lang nalaman ng bata at siya'y napuno agad ng interes. Buong araw siyang magbabasa ng tungkol dito hanggang sa pagdating ng mga ghost hunters kung saan mas marami pa siyang malalaman.
"Baka taga-unibersidad..." sabi ni Rommel, ukol sa mga ghost hunters.
Mula sa sampayan sa bakuran ay naglakad sila pabalik ng bahay. Bitbit ni Sam ang basket ng mga nilabhang damit.
"Aaron naman, dapat sinabi mo muna sa akin bago mo sila pinapunta," buntong-hininga ni Sam. "Siyempre may bayad ang mga 'yan."
Nangningning ang mga mata ni Aaron.
"'Yun nga, Tita! Wala daw sila bayad!"
"Really?" napahinto si Sam. "Pro-bono?"
"Pro-science! Gagawin daw nila in the name of science!"
Nagkatinginan sina Sam at Rommel. May agam-agam man sila'y napagdesisyunan nilang tignan kung may maitutulong nga bang mga tinaguriang ghost hunters. Inamin din naman ni Rommel na wala siyang sapat na experyensya sa demonic possession kaya't kailangan nila ng anumang tulong. Isang malaking problema si Greg na gusto nilang malutas sa lalong madaling panahon. Paano nila ipapaliwanag ang kalagayan niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan? Hindi naman nila basta pauuwiin siya na ganoon.
That is, kung mapapaalis nila.
Pagka't may mga plano na si Abaddon kay Greg.
At nag-uumpisa na ito.
Narinig nilang malalakas na kahol ni Misty mula sa loob ng bahay. Nagmamadali silang nagpasukan at inabutan ang aso sa harapan ng kuwarto ni Sam at galit na kumakahol. Nang sumilip sila sa loob ay naroon si Greg, nakaluhod na nakatalikod, at kinukutkot ng mga kuko ang kahoy na sahig—doon kung saan nasa ilalim ang banga sa silong.
Krrrk. Krkk.
"Greg?" marahang lapit si Sam.
Hinimas ni Rommel si Misty para patahanin. Si Aaron sa kanyang tabi.
BINABASA MO ANG
Ang Banga sa Silong
HorrorUpang makalimutan ang masakit na break-up ay naisipan ni Samantha na magbakasyon sa bahay ng kanyang lolo at lola sa Baguio. Hindi magtatagal ay madidiskubre ni "Sam" ang malagim na sikretong nakatago roon sa ilalim ng madilim na silong.