Chapter 14: Ang Banga sa Silong

2.7K 211 18
                                    

DAY 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DAY 5

Nagising si Sam sa tunog ng kanyang cellphone. Videocall ng kanyang Ate Jane na nasa kanilang hotel room. Pasado 9:00 AM ng umaga.

"Kumusta si Aaron? Hindi ka naman binigyan ng problema?"

Tumagilid si Sam para sumilip. Sa ibaba ng double deck ay tulog pa si Aaron. Nakatihayang nakabuka ang bibig at may mahinang hilik. Sa antok, nakalimutan na nitong hubarin ang salamin sa mata at hawak pa ang PSP. Naalala ni Sam ang mga nangyari kagabi, lalo na iyong pagsasayaw nina Lola Edna at Lolo Charlie sa hardin sa ilalim ng full moon.

"Wala naman, okay naman kami," sagot ni Sam.

Nilihim muna niya. Naisip niyang baka magalit si Jane kapag nalamang napuyat sila ni Aaron, na pasado alas-tres ng madaling araw na sila natulog.

Pinilit ni Sam na bumangon. Medyo masakit ang ulo niya dahil sa puyat.

"So, anong masasabi mo sa hotel namin? Okay ba?" masayang inikot-ikot ni Jane ang camera ng cellphone para ipakita ang kuwarto. White and beige ang motiff. Mahogany brown ceiling beams at flooring. Pagdidikitin daw nila ni Jim ang dalawang single bed para makagulong-gulong sila sa kama. Lumabas siya sa terrace at ipinakita ang view ng pine trees at rolling hills. Maganda ang sikat ng araw at tila maganda rin ang gising ni Jane. Ikanga'y may "glow."

"Okay naman," komento ni Sam.

Ayon kay Jane, nasa top 10 daw na boutique hotels ang Green Peaks. Maganda ang review at affordable pa. One week na bayad ng company ni Jim, 'yung extra week na extension nila para sa kanilang second honeymoon, si Jim na raw bahala.

"Kung may time kayo, puntahan n'yo kami dito," sabi ni Jane. "Isama mo sina 'Lo at 'La para naman makalabas din sila ng bahay..."

"Sure," sabi ni Sam.

Nang matapos ang videocall ay saglit pang nahiga si Sam, iniisip ang sinabi ni Jane. Kung mapapalabas lang nila ng bahay ang kanyang lolo at lola ng ilang oras ay magkakaroon sila ni Aaron ng pagkakataon na imbestigahan ang bahay, masilip ang loob ng cabinet sa ilalim ng hagdan, at lalong-lalo na, malaman ang hiwaga ng silong.

Ang tanong, paano?

***

"O, mukhang napuyat yata kayo. Aba'y, mag-aalas-Diyes na."

Nasa kusina si Lola Edna na nagbabalat ng patatas nang lumapit si Sam. Sa mesa, may mga nahiwa ng bawang, sibuyas at bell peppers. Nagpre-prepare na si lola ng pagkain para sa tanghalian.

"Si Aaron?"

"Tulog pa po, 'La," sabi ni Sam habang tinatali ang buhok. "May maitutulong po ba ako?"

"Ako na bahala rito, magalmusal ka na," aya ng matanda. "Gusto mo ba ng cocoa?"

Umiling si Sam, "magkakape po muna ako."

Nagtimpla ng kape si Sam. Imported na Nestcafe na nasa malaking garapon. Habang nilalagyan niya ng fresh milk ang tasa ay pinagmamasdan niyang kanyang lola. As expected, sobrang normal lang. Nakangiti't maamo ang mukha. Parang walang ginawa kagabi. Parang hindi kasama si Lolo Charlie na nagsayaw sa hardin habang sinasamba ang buwan ng walang kasuotan—isang bagay na mahirap ma-unsee. Ang tutoo'y nagsasawa na si Sam sa mga pagkukunwaring ito. Ang aniya'y game ng pretend. Para lang noong time na nagkukunwari pa si Greg na siya'y inosente samantalang huling-huli na. Na friends lang daw sila nung babae samantalang maraming nakakita ng PDA nila. Nabasa niyang matatamis nilang tawagan sa text, ang mga pet names, sabi ni Greg na biruan lang daw. Shit siya!

Ang Banga sa SilongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon