11:28 PM.
Nakapaligid silang lahat sa fireplace at nakatitig sa apoy. Sa kanilang mga kamay ang maliit na papel kung saan ginuhit nila'ng isang simbolo—ang Sigil of Abaddon. Ang marka ng dimonyo.
"I-picture n'yo sa isipan na kina-cast out n'yo si Abaddon," sabi ni Jules. "Na pinapatalsik natin siya kay Greg."
"Pwede rin na sabayan n'yo ng dasal o utos na paulit-ulit n'yong sasabihin sa isipan. Kahit pabulong," sabi naman ni Rommel.
"Parang command?" tanong ni Aaron. "Parang 'yung sinabi mo?"
"Oo," tango ni Rommel.
"Ang importante eh feel na feel n'yo 'yung mga salita," dagdag ni Hannah habang nagsindi ng yosi.
Nagtanguan ang lahat.
Ayon sa panuntunan ng magic, sa paraang ito na kung saan ibabato nila ang papel na may sigil sa apoy kasama ng dasal o bulong, ay magkakaroon sila ng kontrol kay Abaddon.
Sumenyas si Jules kay Sam.
Lumapit si Sam sa fireplace at ibinato ang tangang papel sa apoy habang mahinang sinabi I cast you out, demon. Isa-isang sumunod ang iba, may kanya-kanyang bulong o dasal. Si Jim ay damang-dama ang pagsigaw niya ng You Shall Not Pass!
Sa upuan kung saan siya nakatali, pinanood sila ni Greg, at sa bawat papel na itinapon sa apoy ay sinabayan niya iyon ng dasal. Help me, God, kanyang bulong. Ang agnostic na si Greg, natutong humingi ng tulong sa Diyos.
Pinapanood din sila ni Misty. At matapos nilang itapon ang mga papel, ay kumahol ang aso.
"Gustong gumaya ni Misty!" sabi ni Aaron.
"Why not?" taas-balikat ni Jane.
"Malakas ang psychic awareness ng mga aso," sabi ni Hannah at bumuga ng usok. "May third-eye din sila."
"Third eyelid meron," sabi ni Jules. "Pero third eye, I don't think so. Ang third eye kasi connected sa soul."
Nilapitan ni Sam ang aso at hinimas sa ulo.
"May soul ang mga aso," aniya as if sure na sure. "Gusto mo ring maglagay ng papel sa apoy, Misty?"
Nilabas ng aso ang kanyang dila at huminga. Nangangahulugang gusto niya.
"Yes, may belief na ganon," ganado lang si Jules mag-explain. "All dogs go to heaven. At least, mga good dogs. Sabi ni Pope John Paul II animals are as near to God as men are. Pati si Pope Francis naniniwala roon. Na may soul ang mga aso at pupunta rin sila sa langit at doon magkikita sila ng kanilang mga amo. Consider n'yo pa na ang meaning ng animal sa Latin ay soul. Pero, maraming nag-o-oppose sa idea na ito. Mga ibang papa. Sabi nga ni St. Thomas Aquinas ang mga animals daw ay without reason at mga bagay lang. Although inconsistent din siya sa paniniwala niya. Ang mga Egyptians naman noong panahon ni Pharaoah Ramses III..."
BINABASA MO ANG
Ang Banga sa Silong
HorrorUpang makalimutan ang masakit na break-up ay naisipan ni Samantha na magbakasyon sa bahay ng kanyang lolo at lola sa Baguio. Hindi magtatagal ay madidiskubre ni "Sam" ang malagim na sikretong nakatago roon sa ilalim ng madilim na silong.