Chapter 26: The Psi in Psy

2.5K 205 12
                                    

Sa kusina, ganadong kumakain sina Jules at Dave, magkatabi at halos synchronized ang pagsubo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa kusina, ganadong kumakain sina Jules at Dave, magkatabi at halos synchronized ang pagsubo. Sarap lang sa SPAM at crab & corn soup. Halos mabulunan pa nga si Dave. Anila, napagod sila sa pagakyat ng batong hagdan.

"Pano naman, 'te," sabi ni Dave. "Ang taas naman kasi nung hagdan noh!"

"Taga-Baguio kayo dapat sanay na kayo," balik ni Sam.

"Si Jules po ang taga-Baguio," senyas ni Dave.

Naroon din sina Aaron at Greg na kumakain. Nagbukas pa ng de latang tuna si Sam pagka't mabilis na naubos ng mga "ghosthunters" ang SPAM. Panay din lagay nila ng Heinz catsup at mukhang masasagad na ang bote. Habang kumakain ay panay ang kuwentuhan nina Aaron at Jules. Kapuwa naka-salamin, hitsura nila'y dalawang pinagbiyak-na-bungang nerd na sampung taon ang agwat sa isa't-isa. Patingin ng iba mong gadgets ha, hiling ni Aaron sa kanya.

Walang masyadong ganang kumain si Sam, kaya't panay ang tanong na lang, naniniguro na ang mga bisita ay who they claim to be.

"Jules, parapsychologist ka daw?" tanong niya.

Uminom muna ng tubig si Jules bago sumagot. Sa kanilang dalawa ni Dave, halatang mas tahimik si Jules to the point of mahiyain. Pero alam mong may alam.

"Well, technically," sabi niya. "Wala naman kasing kurso ng parapsychology dito sa Pinas. Although na-meet at na-interview ko na si Limcauco. Balak ko talagang mag-aral ng kurso sa abroad."

"At si Dave?"

"Si Dave may third eye."

"Really?" tingin ni Sam kay Dave, pati na rin ng iba. "May nakita ka ng multo dito sa bahay?"

"Kahit saan naman, 'te, may multo," mabilis na sagot ni Dave at ibinalik agad ang atensyon kay Jules. "Pero, 'wag kayo, 'yang si Jules may photographic memory 'yan!"

Na-impress sila. Bihira ang photographic memory na konektado sa tinatawag na eidetic memory. Ito ang kakaibang abilidad ng isang tao na makatanda ng mga impormasyon, mahahabang texto o mga numero at maitago sa isipan na para bang may memory cache. Sa gayon, ang isang tao ay para bang isang walking encyclopedia. Ayon kay Jules, ang true photographic memory ay isa lamang myth, at sinabing sadyang magaling lang daw siyang makatanda ng mga bagay-bagay.

"Eh, 'di ang galing mo sa quizzes?" sabi ni Aaron.

"Quizzes?" bigkas ni Dave ridiculously. "Dong, lagi siyang nananalo sa mga quiz shows! Muntik nang magka-milyon sa Who Wants to Be a Millionaire?!"

"Senga?" ngiti ni Aaron.

"Kaya nga kami nakabili ng mga gadgets!" bulalas ni Dave.

Nagtawanan sila. Maliban kay Greg.

"Matutulungan n'yo ba ako?" diniretsa sila ni Greg. "May magagawa ba ang mga gadgets n'yo, o ang third eye mo?"

Ang Banga sa SilongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon