Bihirang maiyak si Sam sa saya.
Hindi niya dine-deny na iyakin siya sa pelikula. Naiiyak siya sa saya kung ang istorya ay may happy ending. Tulad na lang ng reunion ng dalawang magkaibigan sa Shawshank Redemption; o 'yung ending ng Toy Story 3 kung saan ipinamana ni Andy ang mga laruan niya kay Bonnie at nagpaalam siya kina Woody at Buzz; o kahit na iyong mga sports movies kung saan nanalo ang underdog. Hindi siya gaanong naiiyak sa mga love stories dahil aniya, jaded na siya.
Ngayon, idadagdag niya sa listahan iyong tungkol sa reunion ng dalawang magkapatid na nagkahiwalay after lamang ng tatlong araw.
Dahil ganon na lang ang saya niya nang makita ang kanyang Ate Jane at pamilya nito.
Nagakapan sila ni Jane. Lumapit din sina Jim at Aaron para bumeso. Naka-sweater ang mag-ama na may malaking logo sa gitna, kay Jim ay logo ng L.A. Lakers habang kay Aaron ay logo ni Green Lantern. Hawak ng 12-year old ang kanyang PSP. Hindi sila napaghihiwalay nito. Si Jane, tulad ni Sam ay naka-jacket.
"Grabe ha," pansin ni Jane sa luha ng kapatid. "Parang nung Martes lang tayo nagkita a."
Pinahid ni Sam ang kanyang luha.
Mula sa kusina, narinig ang boses ni Lola Edna.
"Si Sam na ba 'yan?" tanong ng matanda.
"Opo, 'La!" sagot ni Jane.
Nakita ni Sam na abala ang kanyang Lola Edna at Lolo Charlie na naghahanda ng tanghalian sa kusina. Nanginig siya nang makita sila at binigyan sila ng may pagdududang tingin.
Samantala, sina Jim at Aaron ay naging busy na sa pagtingin sa paligid, at nagpunta sa fireplace para hangaan ito.
"Pwede bang paganahin ito, 'Pa?" turo ni Aaron sa fireplace.
Napakamot ng ulo si Jim, "Ewan ko lang, anak..."
"Sa'n ka ba galing, sis? Okay ka lang?" tanong ni Jane kay Sam pagka't napansin niya ang tingin na binigay ng kapatid sa lolo at lola nila. Tingin na ngayon lang niya nakita. At naramdaman niya ang panginginig sa kamay ni Sam. Ang panlalamig nito. Walang bagay ang nakakalusot kay Jane.
Sumenyas si Sam na lumabas sila ng bahay.
***
Sa kanang bahagi ng bahay naroon ang paradahan ng sasakyan, carport na may gate na palabas ng matarik na driveway pababa ng kalsada. Lagi lamang itong nakasara pagka't wala namang sasakyan sina Lola Edna at Lolo Charlie. Matagal na nilang naibenta ang lumang Mercedes Benz. Anila, mabuti pang ibenta kesa mabulok lang.
Ngayon, nakaparada roon ang kotse nila Jane. Isang kulay puti na Toyota Revo. Sa gilid ng sasakyan pumuwesto sina Sam at Jane.
"Game, sis," sabi ni Jane. "Kuwento mo."
Tumingin si Sam sa ate niya. Kilala nila ang isa't-isa. Alam nila kung kailan ang mga bagay ay biruan o kung kailan siryosohan. Ganoon sila ka-close. Kung hindi lang tatlong taon ang agwat nila sa edad, pakiramdam nila'y kambal sila.
BINABASA MO ANG
Ang Banga sa Silong
HorrorUpang makalimutan ang masakit na break-up ay naisipan ni Samantha na magbakasyon sa bahay ng kanyang lolo at lola sa Baguio. Hindi magtatagal ay madidiskubre ni "Sam" ang malagim na sikretong nakatago roon sa ilalim ng madilim na silong.