"WHAT ARE YOU DOING HERE?"
Nang-uuyam na ngumiti si Caleb sa naibulalas ni Alaric matapos nitong makabawi sa ilang segundong pagkabigla nang madatnan siya nito nang umagang iyon na prenteng nakaupo sa sala sa bahay ng mga magulang nila.
"Where are your manners, brother? Mabuti pa ang mga katulong sa labas, sinabihan ako ng 'welcome back'." Imbes ay sagot niya at akmang lalapit rito para tapikin ito sa balikat pero umiwas ito.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Caleb. Bakit ka bumalik?"
Kumunot ang noo niya. "At bakit hindi? Last time I checked, this is also my house. Besides..." Pinagpag niya ang suot na leather jacket. "Would you rather prefer I went straight to Gianna's apartment and pretend to be you?" Napangisi siya nang makita ang paniningkit ng mga mata nito. "Relax, Ric. Bumalik lang ako para sa kasal mo. I wouldn't miss it for the world."
"I don't remember inviting you, Caleb."
"Oh," He feigned innocence. "And here I thought my invitation just got lost. You're hurting me, brother."
Akmang magsasalita pa si Alaric nang gambalain sila ng katulong at sabihing may emergency call ito mula sa ospital. Ilang segundong tila alumpihit ito bago sa wakas ay sumunod sa katulong.
"I'll get back on you later." Nagbabanta ang boses na sinabi nito.
Nagkibit-balikat siya. Balak niya sanang magpunta sandali sa kanyang dating kwarto nang marinig niyang bumukas ang pinto. Hindi pa man siya pumipihit paharap sa bagong dating ay naramdaman niya na ang malambot na katawan na bigla na lang yumapos sa kanyang baywang. Nalanghap niya rin ang mabining amoy ng babae.
"Surprise." Malambing na sinabi nito. "I miss you, Ric."
Nahulaan niyang ito si Gianna base na rin sa pamilyar na boses nito na walang ipinagkaiba ng makausap niya sa telepono. He grinned. Kinalas niya ang mga braso nitong nakayapos sa kanya at walang pagmamadali sa kilos na humarap rito para lang mabigla sa nabungaran. Sure, he was expecting a beautiful woman but he wasn't expecting a woman as beautiful as the one he was actually seeing right now. Rex was right, Gianna had such a flawless Snow White skin but he forgot to mention that she also had the face of a queen.
Damn you, Ric. Naislaoob niya. So all these time that I was in pain, you were with this girl enjoying heaven.
Sa naisip ay nagdilim ang kanyang anyo.
"May problema ba, Ric?"
"Wala naman, masaya lang akong nandito ka." Mabilis na sagot ni Caleb. Bago pa makuhang sumagot ni Gianna ay maagap na hinapit na niya ito sa makipot na baywang nito at hinagkan sa mga labi. He was taken aback, too, by the sweet sensation of her lips against his. This woman was full of surprises. And he loved surprises. Palihim siyang napangiti habang hinihintay ang pagbabalik ni Alaric.
Come on, brother. Where are you? It's show time.
BINABASA MO ANG
Trapped in a Vengeful Heart
Romansa(Finalist for PHR Novel of the Year 2015) "In this cruel world, you've managed to introduce me gentleness." Caleb came back to the Philippines with an epic plan, to ruin Alaric, his twin brother. Kaya naman ilang araw bago ang kasal ni Alaric ay din...