Part 16

8.7K 171 3
                                        

NANG SA WAKAS ay makaalis na si Caleb ay mabilis na tumayo si Gianna at ini-lock ang pinto bago siya muling bumalik sa kama at napahawak sa mga labi niya. Sa dinami-rami ng mga naging kaguluhan sa buhay niya mula nang makilala niya ang lalaki, hindi niya maintindihan kung bakit nagawa pang sumingit ng halik nito sa mga bagay na higit niyang dapat pagtuunan ng pansin.

Sinorpresa siya ng ginawa ni Caleb na paghalik sa kanya dahil kakaiba iyon kaysa sa nauna. Masuyo iyon na tila ba kinakalma siya. It was as if he was trying to reach out to her... in his own way. It didn't work, though, because it only troubled her even more.

It made her question the real man behind the tough façade of Caleb Montero because if he was somehow capable of giving tenderness, then why would he think of destroying his own brother's wedding? Anong nangyari sa magkapatid noon para gawin ito ni Caleb ngayon? Napakarami niyang katanungan at sa ngayon, tanging si Caleb lang ang makakasagot ng mga iyon pero duda siya kung aamin ito sa kanya. Because the man strikes her as a human switch that could easily turn on that human mode of him when he wants to and then quickly turn it off and be a monster flirt the next moment.

Malakas na bumuntong-hininga si Gianna bago niya napansin ang mga paper bag na nasa gilid ng kama. Kinuha niya ang mga iyon at isa-isang tiningnan. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya nang makita ang tig-isang dosenang lace underwears roon. Meron ding tatlong negligee at tatlong pajama set. Bukod roon ay puro sundresses na ang mga naroon at dalawang pares ng flat sandals.

Napailing siya bago kumuha ng damit at nagtungo sa nakapinid na pinto sa loob ng kwarto na sa palagay niya ay banyo. Pagbukas niya roon ay hindi nga siya nagkamali ng hinala. Naroon na at nakahanda lahat ng mga gagamitin niya sa pagligo. Malungkot na tinitigan niya nang matagal ang sarili sa naroong salamin habang suot ang wedding gown niya bago iyon mabigat sa loob na tinanggal.

"Goodbye, family life..." bulong ni Gianna kasabay nang muling pagtulo ng kanyang mga luha. "And welcome to the unknown."

Trapped in a Vengeful HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon