Part 31

8.1K 159 2
                                    

"GIANNA," A faint smile appeared on Caleb's lips while walking to his room. "Una sa lahat, hindi siya marunong magluto. She sucks at that department but at least, she's been honest about it. She tried a lot of times actually and I do admire her but..." He laughed. "The food really tastes awful."

"Wow," Napasipol si Evan. "Is it just me or did I really hear you say you admire her?"

"But I do, buddy. I admire how big her heart is." Kumunot ang noo niya. "Ano namang masama ro'n?"

Nagtatakang napasulyap si Caleb sa screen ng para tingnan kung naroon pa rin ang kaibigan sa kabilang linya. Natahimik kasi ito. "Naisip ko lang, ganyang-ganyan ka rin noong kakikilala pa lang natin at napagkwentuhan natin si Erin. You said it started with you admiring her for being a teacher." Tumikhim ito. "And there's nothing wrong about you feeling that way again, bro. It's just that... last time I checked; she's still your brother's girl."

Natigilan si Caleb. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero walang boses na lumabas mula roon. Ini-off niya na lang ang cellphone. Nang makarating sa sariling kwarto ay ini-lock niya agad ang pinto. Lumapit siya sa isang cabinet at dahan-dahang binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang isang nakataob na naka-framed na litrato.

Parang nauupos na kandilang napasandal si Caleb sa kama bago niya sinilip ang litrato. Muli niyang nasilayan ang buhay na buhay na ngiti ng kanyang dating fiancée.

"Lumalayo na ba ako sa plano, Erin?" Mariin siyang napapikit. Kasabay niyon ay hinayaan niyang pumasok ang mga mapapait na alaala sa kanyang gunita na pinilit niyang isiksik sa pinakamalalim na bahagi ng puso niya sa nakalipas na mga taon. Muli, nakaramdam siya ng matinding pagsisisi at galit para sa naging buhay niya sana... para sa mga pangarap niya na sa isang iglap ay winasak ng kapatid.

Nag-iinit ang mga matang napatitig si Caleb sa larawan. Muli ay sumiklab ang galit niya para kay Alaric. He and Erin could have had their own family now. Hindi sana siya nabuhay na parang patay sa nakalipas na mga taon. Hindi sana siya nagkakaganito at sana, wala siya sa Jordan, Guimaras ngayon para maghiganti. Alaric made him like this.

I'm sorry, Erin. I was lost for a while. I promise it won't happen again.

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon