IS IT JUST MY NOSE o wala talaga akong naaamoy na sunog ngayong umaga? Nagtaka si Caleb nang wala ang kadalasang natatarantang si Gianna sa kusina pagbungad niya roon isang umaga. Wala ring bakas na nanggaling na ito roon. Napasulyap siya sa kanyang relo. Pasado alas-sais na. Kapag ganoong oras, kadalasan ay ipinagtitimpla na siya ni Gianna ng kape tulad ng nakagawian ni Manang Rosing.
"Damn. Pati kape, instant." Napailing siya nang maalala ang pagmamalaki sa magandang mukha nito noong unang beses na ipinaghanda siya ng kape. Three-in-one daw iyon kaya ready-to-drink na kapag nalapatan ng mainit na tubig.
Limang araw na siya nitong pinupurga sa mga inihahanda nito dahil na-extend pa ang pagliban ni Manang. Tinawagan niya ang asawa ng ginang noong nakaraang araw at nalaman niyang nasa ICU pa rin daw ang anak ng mga ito. Ilang beses ring sinubukan ni Gianna na magluto pero pare-parehong sunog ang mga iyon. Masakit na sa matang tingnan ay masakit pa sa sikmura.
Napangisi si Caleb nang maalala ang kauna-unahang beses na sinubukan nitong magluto ng pananghalian nila.
"Nagluto si Gianna. Call the guards. We will eat together." Pormal niyang sinabi sa isang tauhan niya nang papuntahin niya ito sa library isang tanghali.
Natuwa ito. "Talaga, sir? Mabuti naman ho at nang makatikim kami ng masarap-sarap na putahe. Puro kasi prito ang alam lutuin ni Bart." tukoy nito sa kapwa nito gwardya na nakatoka sa kinakain ng mga ito. Lihim siyang napangiti nang tila may pakpak ang mga paang umalis ito para tawagin ang pito pang kasamahan.
"Sama-sama tayo sa hirap at ginhawa." Naibulong niya.
Pare-parehong natigilan ang walo pagbungad sa dining area. Sumalubong sa pagpasok nila ang mukha at amoy sunog na fried rice at chicken ni Gianna. Samantalang tila naman sinigang ang iginigiit nitong chicken curry sa dami ng sabaw na nailagay nito.
"P-pasensya na. Sinubukan ko naman pero 'yan lang talaga ang nakayanan ko." Mangiyak-ngiyak na sinabi ng dalaga nang marahil ay mapansin ang expression nila. He sighed. Kung tutuosin, wala dapat si Gianna sa ganoong posisyon kung hindi dahil sa pagiging matulungin nito. Kaya niya naman sanang kumuha ng tagaluto nila, ang problema ay wala siyang makuhang ibang mapagkakatiwalaan maliban kay Manang Rosing na minsang binigo pa siya sa pagpapahiram ng cellphone kay Gianna. But the woman was trying her best to fill in the old woman's duty and he would be the world's greatest fool if he would ignore all her efforts.
"It's alright, Gianna. Let's just... eat." Sinabi niya pagkalipas nang mahabang sandali. Nauna na siyang naupo sa twelve-seater dining table.
Bakas ang matinding frustration sa magandang mukha ng dalaga nang mapatingin sa mga gwardyang kasalukuyan pa ring nakatayo nang mga sandaling iyon. Malakas na napatikhim siya. "Don't mind them. They will eat with us. Right, men?"
Isa-isa niyang tinitigan ang mga ito. "P-pero Boss, may... may ulam pa ho y-yata kami-"Ani Bart.
"Kahit na." Maawtoridad na sagot niya. "Ayoko namang isipin n'yong sinosolo ko ang luto ni Gianna." Pinaningkitan niya ng mga mata ang mga gwardiya bago halos sabay-sabay na naupo ang mga ito sa tapat niya.
When he saw Gianna smiled with relief, it was as if he did the rightest thing in the world but the worst thing for their stomachs. Because since then, he never saw the guards approach his mansion anymore...
BINABASA MO ANG
Trapped in a Vengeful Heart
Romansa(Finalist for PHR Novel of the Year 2015) "In this cruel world, you've managed to introduce me gentleness." Caleb came back to the Philippines with an epic plan, to ruin Alaric, his twin brother. Kaya naman ilang araw bago ang kasal ni Alaric ay din...
