BINALEWALA ni Gianna ang mga namutawi sa bibig ni Caleb. Sa halip ay napatitig siya sa wedding gown na suot niya pa rin nang mga sandaling iyon. Hindi siya makapaniwalang sa isang iglap ay hindi na matutuloy ang kasal niya at ang pangarap niyang magkaroon ng sariling pamilya, isang bagay na kahit kailan ay hindi niya naranasang magkaroon.
Her throat started to clench. Her eyes burned with the tears she couldn't contain anymore. "Paano mo 'to nagawa sa sarili mong kapatid? Why do you hate Alaric so much?"
Tumigas ang anyo ni Caleb. "Quit looking at me as if I'm the worst man on the planet, Gianna. Because between Alaric and me, he's the real monster." Nang-uuyam na tinitigan siya nito. "Who knows? Baka nga all these years, pinaglalaruan ka lang niya."
"Hindi totoo 'yan." Napailing pang sagot niya. "He loves me and I love him."
"Wow. Love is really blind, deaf and... Stupid." Maanghang na sinabi nito bago tuluyang umalis ng kanyang kwarto.
Ilang minuto siyang nanatili lang na tulalang nakatitig sa saradong pinto nang makarinig siya ng sunud-sunod na mga katok. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at iniluwa ang isang matandang babae na sa palagay niya ay naglalaro sa singkwenta ang edad.
Alanganin itong ngumiti sa kanya. "Magandang hapon, ineng. Ako si Rosita, maaari mo akong tawaging Manang Rosing." Ibinaba nito ang mga bitbit na paper bags sa gilid ng kama. "Ipinabibigay ni Sir Caleb ang mga ito, nandito na daw ang lahat ng kailangan mo. At kung nagugutom ka na, nakapagluto na ako. Pwede ka nang kumain sa ibaba kung gusto mo."
Mabait ang bukas ng mukha ng ginang at bigla pakiramdam ni Gianna ay nakasilip siya ng munting pag-asa kahit pinangunahan na siya ni Caleb na walang tutulong sa kanya roon.
Tumayo siya at nakikiusap ang mga matang nilapitan ang ginang. "May cell phone po ba kayo? Pwede po bang makigamit?"
"Pasensya na, ineng pero ang sabi ni Sir ay-"
"Please? Ikakasal na po kasi dapat ako pero kinidnap po ako ng... ng..." Muling tumulo ang mga luha niya nang maalala ang amo nito. "Ng alanganing tao, alanganing hayop na Boss nyo."
Hinawakan ni Manang Rosing ang mga kamay niya. "Naniniwala naman ako sa 'yo, ineng. Ang lagay nga ay suot mo pa ang damit pangkasal mo pero ako kasi ang mananagot kay Sir kapag-"
"Kahit saglit lang po, Manang."
Malakas na bumuntong-hininga ang ginang bago ay iniabot sa kanya ang 3210 na cell phone nito mula sa bulsa. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang magising siya ay nakahinga siya nang maluwag. Dahil ibig sabihin ay may signal pala sa lugar na iyon. "Sandali ka lang, ha? Puntahan mo ako kaagad sa ibaba kapag 'tapos ka na."
BINABASA MO ANG
Trapped in a Vengeful Heart
Romance(Finalist for PHR Novel of the Year 2015) "In this cruel world, you've managed to introduce me gentleness." Caleb came back to the Philippines with an epic plan, to ruin Alaric, his twin brother. Kaya naman ilang araw bago ang kasal ni Alaric ay din...