Part 12

8.7K 205 5
                                    

"THREE, TWO, ONE..."

Eksaktong natapos sa pagbibilang si Caleb nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Ngumisi siya nang makita niyang ang pangalan ni Alaric ang rumehistro sa screen. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kamang kinahihigaan ng tulog na tulog pa ring si Gianna bago niya sinagot ang tawag ng kapatid.

"It's exactly two hours before you called, Ric. What took you so long?"

"Damn you, Caleb! Saan mo siya dinala?"

"Secret." Sandali niyang nailayo sa tainga ang cell phone nang marinig uli ang pagsigaw nito. "I told you to guard her well, didn't I? Poor Gianna," Pumalatak siya. "Nagsusukat na nga lang ng wedding gown, natangay pa."

"Dammit! I swear if something happens to her, I'll kill you!"

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Caleb. "That was harsh. But don't you think you should be careful with your words since you know, she's with me?" sagot niya bago muling lumapit sa kinahihigaan ni Gianna at naupo sa tabi nito. Pinaglandas niya ang mga daliri sa makinis na pisngi ng dalaga. Bahagyang natunaw ang galit sa puso niya nang mapagmasdan ang maamong mukha nito.

Saglit niya ring nalimutan ang plano niyang dukutin si Gianna nang makita ito kanina. She looked like a goddess in her immaculate white wedding dress. Lalong tumingkad ang kaputian nito sa suot nito. Simple lang ang ayos nito. Walang make-up at nakalugay lang ang kulay brown na alon-along buhok pero lutang na lutang pa rin ang ganda nito.

"Utang-na-loob, Caleb, 'wag mo siyang idamay dito." Bahagya nang humina ang boses na sinabi ng kakambal. "Bring her back and I promise I will do anything."

He gritted his teeth upon the simplicity of Alaric's words. "Fine. Madali lang naman akong kausap, Ric. Bring back Erin's life and I will bring back your precious Gianna."

Hindi niya na ito binigyan pa ng pagkakataong makasagot. Maagap na pinutol niya na ang tawag at ibinulsa ang cellphone nang makita niyang unti-unti ng nagkakamalay ang dalaga. Ilang sandaling tila disoriented na pinaglakbay nito ang tingin sa paligid matapos nitong imulat ang kulay amber na mga mata nito.

Marahang tumikhim siya. "Hello again, Snow White."

Mabilis na napabangon ang dalaga. "You tricked me!"

"Don't worry; I apologized before I did that."

Naningkit ang mga mata nito. "Nasa'n ako? Bakit mo 'ko dinala dito? I'm supposed to get married in six days!"

Napatangu-tango si Caleb. "Right. But not anymore." Tumayo na siya at tinalikuran si Gianna. "By the way, we're in my paradise. Private property ito kaya 'wag ka nang mag-aksaya ng panahon sa paghingi ng tulong. No one would hear you aside from the guards and Manang Rosing who wouldn't even try to help you."

"Ano ba talagang gusto mo?" Garalgal na ang boses na tanong nito.

Caleb turned around to face Gianna. He refused to be affected by her tears. "Good question. Gusto kitang agawin sa kapatid ko. Magpapaagaw ka ba?"

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon