MAHIGPIT na niyakap ni Alaric si Erin. "Mahal na mahal kita. Akin ka na lang, please? At pangako, hinding-hindi ka magsisisi. 'Yung mga ibinigay sa 'yo ng kapatid ko, kaya kong tumbasan lahat 'yon o higitan pa nga." Imbes ay sagot niya bago ito kinuyumos ng halik sa mga labi. Malakas na itinulak siya nito at dahil may tama na ng alak ay muntik na siyang mabuwal.
Lumapit si Erin sa kanya at ubod-lakas na sinampal siya. "My God, Alaric, ikakasal na kami ng kakambal mo! Irespeto mo naman ako! Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa 'yo na hindi ako ang babaeng para sa 'yo? Makakahanap ka rin ng taong magmamahal sa 'yo pero hindi ako 'yon kaya tantanan mo na 'ko!" Galit na sinabi nito bago muling tumalikod sa kanya at pinilit hagilapin ang tumilapong susi.
Pero mapilit si Alaric nang gabing iyon. Muli niyang kinabig si Erin at mariing hinagkan sa mga labi. Pinilit niyang buksan ang butones ng blouse nito pero dala marahil nang kalasingan ay bahagyang nagdodoble ang paningin niya. Natigilan siya nang may tumulong luha sa mga kamay niya. Pag-angat niya ng mukha, nakita niyang lumuluha ito... lumuluha ang kanyang si Erin. "Erin, I-"
Nang marahil mapansin nitong natigilan siya, malakas na tinuhod siya nito sa maselang bahagi ng kanyang katawan pagkatapos ay mabilis na nagtatakbo ito palayo. Tuluyang naglaho ang kalasingan niya. Iika-ika pang humabol siya rito para humingi ng tawad. "Erin! I'm sorry! Please stop running! I will never do it again, I promise!" Pero sa tindi ng takot sa kanya, hindi ito nakinig. Imbes ay mas lalo pa nitong binilisan ang pagtakbo. "Stop please! I'm so sorry! Bumalik ka na, ihahatid na kita sa inyo!"
Sandaling huminto si Alaric dahil muli siyang nakaramdam ng pagkahilo. Tinapik-tapik niya ang noo bago muling tumakbo. Hanggang sa makatanaw sila pareho ng isang paparating na sasakyan. Nabigla siya nang humarang ang dalaga sa gitna at kumaway-kaway habang humihingi ng tulong. Hindi niya inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Dahil hindi huminto ang kotse. Sa halip ay nagdere-diretso ito habang humahagibis ang takbo. Sa isang iglap ay para siyang naparalisa nang makita niyang humagis ang katawan ni Erin samantalang bumangga naman sa kanyang sasakyan ang naturang kotse.
Sinubukan ni Alaric na isugod sa pinakamalapit na ospital si Erin. Pagdating niya doon ay idineklarang dead on arrival ang dalaga. Nanginginig ang mga kalamnang naupo siya sa sementadong hagdan sa labas ng ospital habang hinihintay ang pagdating ng tinawagan niyang si Caleb habang nasa daan siya kanina. Nang makita niya ang humahangos na kapatid ay tumulo na ang mga luha niya.
"Where is she?" Agad na sinabi nito, halos pasigaw na. Nag-iwas siya ng tingin. Kinuwelyuhan siya nito. "Ano, magsalita ka! Nasaan siya? Ano'ng nangyari? Bakit kayo magkasamang dalawa?"
"I'm sorry... I'm so sorry." Nang bitiwan siya ng kakambal ay napaluhod siya. "H-hindi ko sinasadya, maniwala ka. Nadala lang ako."
"Hell!" He heard Caleb muttered before he ran inside the hospital. Pero nanatili siyang nakaluhod lang sa semento at lumuluha. Naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. God, what had he done? Ilang minuto lang ang lumipas nang maramdaman niyang may sumipa sa kanya. Pero hindi siya gumanti. Wala siyang lakas. At isa pa, sa laki ng kasalanan niya, wala siyang karapatang gumanti.
"Damn you, Ric! What the hell did you do?!" Sinuntok siya ni Caleb nang paulit-ulit pero manhid na ang pakiramdam niya. Sa nanginginig na boses ay nangumpisal siya rito.
"I'm sorry; I just love her so much I've lost control." Nanghihinang napaupo rin si Caleb kasabay nang pagtulo ng mga luha nito. Nag-init lalo ang mga mata niya nang marinig ang malakas na pagtangis nito.
"We don't... hurt the ones we love, Ric." Sinabi nito makalipas ang mahabang sandali.
"I'm so sorry. S-susuko ako, pangako."
"Did you know... that she was seven weeks pregnant?" Imbes ay sagot nito. Napayuko siya. Sinabi na iyon sa kanya ng doktor. "You took everything from me, Ric. You took my family, you took my life." Kumuyom ang mga kamay nito kasabay ng pagtayo. "Hindi... hindi kita kayang ipakulong. Masyadong magaan ang kaparusahan na 'yon."
Tumayo na si Caleb at iniwan siya. Nilinis nito ang pangalan niya sa mga pulis. Ang siyang nadiin ay ang driver ng sasakyan na noong gabing iyon ay nagkataong high sa drugs. Tahimik lang sa buong duration ng burol ni Erin ang kapatid. Mag-isa na lang sa buhay ang dalaga dahil namatay na pareho ang mga magulang nito sa isang car accident kaya si Caleb ang solong nag-asikaso ng lahat. Nang matapos ang libing ay umalis ito ng bansa pero nag-iwan ng mga salitang hindi niya kailanman malilimutan.
"Pagsisisihan mo 'to, Ric. I swear." Caleb said as his eyes burned with pain and anger. "I will make you pay for this."
BINABASA MO ANG
Trapped in a Vengeful Heart
Romance(Finalist for PHR Novel of the Year 2015) "In this cruel world, you've managed to introduce me gentleness." Caleb came back to the Philippines with an epic plan, to ruin Alaric, his twin brother. Kaya naman ilang araw bago ang kasal ni Alaric ay din...
