Part 6

9.3K 209 5
                                    

NANIBAGO ang pakiramdam ni Gianna nang bigla siyang siilin ng halik sa mga labi ni Alaric. Mapangahas iyon at tila... nagpaparusa. She knew Alaric's kiss. It was always warm, tender, and light. Sa naisip ay bigla niyang naimulat ang mga mata. She was greeted by the dangerous glint in his eyes that made her quiver. It was the same green eyes she knew and yet, they looked completely different.

Wala sa sariling naitulak niya ang binata. "A-ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Ric?"

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Ano sa tingin mo?"

Kumunot ang noo ni Gianna. Saka niya lang tuluyang napagmasdan ang itsura nito. Nakasimpleng pantalong maong lang ang lalaki, brown na t-shirt na pinaibabawan ng itim na leather jacket at tinernuhan ng itim ding rubber shoes. But as far as she could remember, Alaric never wore rugged attires. He was always formal in his signature coat and slacks. Kung hindi naman ay naka-long sleeved ito pero slacks pa rin ang itiniterno roon, malayong-malayo sa itsura ng kaharap niya nang mga oras na iyon.

Maliban na lang kung... may kakambal ang fiancé niya na kamukhang-kamukha mismo nito. Pero imposible. Kung meron man, sana nalaman niya na noon pa. Pero paano niya maipapaliwanag ang mga pagkakaiba?

Pinilit ngumiti ni Giana para kalmahin ang sarili. "Ric, I don't understand-"

"That's understandable because I'm not Ric." Umawang ang kanyang mga labi. "I'm Caleb, his twin brother. Finally, we've met, Snow white. Pagpasensyahan mo na nga lang kung masyado akong naging excited kaya nauna ang halik bago ang introduction-"

Napatili si Gianna nang mula sa kung saan ay bigla na lang dumating ang sa wakas ay nakilala niyang si Alaric at dinaluhong ang lalaki ng suntok.

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon