"GIANNA, open the door. Dinalhan kita ng extra bedsheet." Sunod-sunod na pagkatok ang ginawa ni Caleb sa kwarto ni Giana. "Come on, palitan mo na ang ginagamit mo. You can't scatter blood in there. I bought that from Paris." Nakangisi nang sinabi niya. Pero nang wala pa ring sumagot mula sa loob ay napilitan na siyang ilabas ang duplicate key niya.
Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang tulog na tulog na anyo ng dalaga. Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito. Wala pang isang oras ng umakyat si Gianna sa kwarto nito matapos nitong malamnan ang sikmura. Pinapunta niya na lang doon si Bart para magpahanda ng expertise nitong pinirito para makapag-almusal sila. Pagkatapos ay ang dalaga pa rin ang nagboluntaryong maghugas ng mga pinagkainan nila.
Caleb sighed. Sa mahigit dalawang linggong nakasama niya si Gianna, naintindihan niya na kung bakit napamahal rito ang kapatid niya. She was not just a lovely being. She was compassionate and smart. Tinulungan nito ang matandang ni hindi nito kakilala. Sinisikap nitong magluto at maglinis ng bahay kahit hindi naman kailangan. And then there were those nights... when he would wake up and find her alone by the seashore. He could tell that she was missing the people she left behind. At sa bawat pagkakataong iyon, wala siyang magawa kung hindi ang talikuran si Gianna dahil hindi niya rin naman ito matutulungan maliban na lang kung magising siya isang araw at hindi na ito si Gianna Rodriguez, ang babaeng pinakamamahal ng kapatid niya.
Naupo siya sa tabi ng dalaga at maingat na pinaglandas ang mga daliri sa buong mukha nito. "I'm sorry I just can't take you back. If I do that, Alaric would try to marry you again and I can't give him his happy-ever-after, Gianna. I just can't... when he's the reason why I lost mine."
Napahugot siya nang malalim na hininga. Itinaas niya ang kumot ni Gianna hanggang balikat nito pagkatapos ay tumayo na. Inilapag niya na lang sa tabi nito ang dalang bedsheet. Akmang lalabas na siya ng kwarto nang marinig ang inaantok pang boses nito.
"Minsan, try mo naman akong patulugin sa sala. Parang mas may privacy pa 'ko ro'n kesa rito." Masungit agad na pagbirada nito.
So the woman has temper whenever the red flag is up. He smiled to himself. "Dinalhan lang kita ng extra bedsheet."
Natawa siya nang mag-blush si Gianna kasabay nang paniningkit ng mga mata nito. "Maraming salamat, makakaalis ka na."
Pumalatak siya. "For a collateral damage, you sure are demanding."
Nanlalaki ang mga matang bumangon ang dalaga at itinuro siya. "I-ikaw? Ikaw si... Caleb the jerk? 'Yong tumawag sa 'kin sa radio station noon? Geez, bakit ba hindi ko nahalata kaagad 'yon? You're the one with that creepy voice!"
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Caleb. "How can you say that? Girls love my voice. They say it's sexy."
"It's creepy." Pagdiriin nito.
"Bahala ka na nga." Nagkibit-balikat siya. "Basta ang mahalaga, gwapo ako." Magsasalita pa sana si Gianna nang bulabugin sila pareho ng pag-ring ng cellphone niya. Paalis na sana siya para sagutin iyon nang muli niya itong lingunin. "By the way, just so you know, you still look beautiful even in menstruation." Muling nagkulay-makopa ang mga pisngi nito. Nangingiting sinaluduhan niya ito bago siya tuluyang lumabas ng kwarto at sinagot ang tawag ni Evan.
"So, how's Gianna?"
BINABASA MO ANG
Trapped in a Vengeful Heart
Romance(Finalist for PHR Novel of the Year 2015) "In this cruel world, you've managed to introduce me gentleness." Caleb came back to the Philippines with an epic plan, to ruin Alaric, his twin brother. Kaya naman ilang araw bago ang kasal ni Alaric ay din...