Part 19

8.9K 200 15
                                    

"DAMN IT!" Naiinis na napasandal si Caleb sa kanyang swivel chair at mariing ipinikit ang mga mata. But even with his eyes closed, he could still see the hurt in Gianna's golden eyes and the sadness in her voice... Masyado siyang nagpadala sa galit na nararamdaman kaya hindi niya na napag-isipang maigi ang mga sinabi.

"Heck!" Naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha bago tuluyang dumilat. "Why is that woman so transparent?" Naiinis na muli niyang hinawi ang kurtina para muling silipin ang dalagang kasalukuyan pa ring nag-iisang nakaupo sa buhanginan. Bago pa niya tuluyang mamalayan ay tila may sariling isip ang kanyang mga paa na humakbang palabas ng library at pinuntahan ang dalaga.

Nang makalapit na kay Gianna, malakas na tumikhim siya para agawin ang atensiyon nito.

Para namang walang kagana-ganang nilingon siya ng dalaga. "What now?"

Napalunok siya bago pinaglakbay ang tingin sa kabuuan nito. She still looked so heartbreakingly beautiful despite the gloom in her eyes. Ang nakapusod na alon-along buhok nito ay mabining isinasayaw-sayaw ng hangin na kapag nasisikatan ng araw ay lalong tumitingkad ang reddish-brown na kulay. Muli ay hubad sa make-up ang mala-anghel na mukha nito kahit alam niyang naisama ng secretary niya ang make-up set dahil ito pa mismo ang personal na pinabili niya ng mga gagamitin ni Gianna.

Nang manatili siyang walang imik ay tumayo na ang dalaga at akmang iiwanan na siya nang maagap na pigilan niya ito sa braso. Pero sa pagkakataong iyon ay mas maingat na hinawakan niya ito.

"Ano na naman ba 'to, Caleb?" Bakas na ang kapaguran sa boses na tanong nito.

Hindi niya na nagawang pigilin ang sarili. Mabilis na hinapit niya ito sa baywang at niyakap. "I'm sorry." Mahina niyang sinabi. "Nabigla lang ako."

Sa una ay nagpumiglas si Gianna pero hindi niya ito binitiwan hanggang sa marahil ay hindi na nito kinaya. Unti-unti ay narinig niya ang paghikbi nito. Sandaling lumayo siya rito at maingat na pinahid ang mga luha nito.

"You are required to forgive me, you know." He softly said. "Because I rarely say sorry."

Bumakas ang pagkabigla sa anyo nito na bahagyang ikinangiti niya bago ito muling niyakap. Funny, he was comforting her but he felt like he was actually the one who was being comforted.

Why do I have this feeling... this weird feeling that you wouldn't be alone in this roller coaster ride of yours, Gianna?


(Gusto ko man pong dagdagan pa ang pag-post today, hindi ko na kaya. I'm experiencing a terrible back pain right now. Actually, ilang araw na 'to. I tried getting up this morning to edit and post a few chapters. Pero hindi na kaya ng powers ko. Hopefully, this weekend, makabawi ako sa inyo when I get better. Thank you for reading and have a nice day!)

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon