Part 29

9K 182 16
                                    

ILANG SANDALING tila manghang nakatitig lang si Caleb kay Gianna bago niya narinig na tumawa ang binata habang siya naman ay pansamantalang nakaligtaan ang pananakit ng puson. Iyon ang kauna-unahang tawang narinig niya mula rito. Buong-buo iyon at masarap... pakinggan. Wala itong dimples tulad ni Alaric na higit na kapansin-pansin kapag tumatawa ang huli pero kaiga-igayang pagmasdan ang luntiang mga mata nito. Because his eyes shines when he laughs. Looking at him now, her heart almost melted.

Natigil lang sa paglalakbay ang isip ni Gianna nang muli niyang maramdaman ang pagkirot ng sikmura. Napapangiwing bumalik siya sa pagkakahiga. Nahinto na rin si Caleb sa pagtawa nang mapansin ang discomfort na nararamdaman niya. Kahit paano, nagpapasalamat siyang naisama ang sanitary pads sa paper bags na ibinigay nito sa kanya noon. Muli niyang naramdaman ang pamumula ng mga pisngi.

Malakas na tumikhim si Caleb pero hindi pa rin nawawala ang amusement sa mga mata nito. "'Looks like you'll need an extra bedsheet. Bukod do'n, may kakailanganin ka pa ba?"

"Just something hot." Pilyong napangiti ito. Naiinis na binato niya ito ng nadampot na unan. "I'm referring about the food, Caleb."

Nasorpresiya siya nang unti-unti nitong kalasin ang mga butones ng polo nito dahilan para masilip niya ang malalapad na balikat at dibdib nito at ang mga pandesal nito sa tiyan.

Napalunok siya. "A-ano'ng ginagawa mo?"

Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Caleb. "Well, I'm hot. And I can't cook so just eat me instead." Umangat ang sulok ng mga labi nito nang hapitin niya ang kumot paitaas sa leeg niya.

Dahan-dahang lumapit sa kanya ang binata. Tuluyan nang nahubad nito ang damit, revealing his perfectly tanned skin. Tila walang anumang nahiga ito sa tabi niya sa kama dahilan para maamoy niya ang suwabeng pabango nito. Naipilig niya ang ulo nang nang-aakit na titigan siya nito.

"Oh, ano pang hinihintay mo? Eat me now... whichever way you want. Hindi ako magrereklamo, pangako."

Marahas na napabuga si Gianna ng hangin. Kahit nanghihina pa, sinikap niyang bumangon at tumayo. "Nevermind, I guess I'll just settle for-"

"Your favorite cup noodles? Oh, come on, Gianna. I'm better and hotter... and you damn well know that."

Naningkit ang mga mata niya. "How can you be a jerk and a flirt at the same time?"

Kinindatan siya nito. "That's just one of my many wonderful abilities."

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon