Part 20

8.3K 165 1
                                    

"WE ARE TRYING our best, Mr. Montero. Pero pangungunahan ko na po kayo, mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap."

Hindi na nagawa pa ni Alaric na sumagot sa kabilang linya. Bigong pinutol niya na ang tawag at ibinulsa ang kanyang cell phone pagkatapos ay napasulyap sa kanyang relo. It has been five days, eleven hours and twenty-eight minutes since Caleb took away his life... his Gianna. Limang araw na siyang walang matinong tulog at kain mula nang walang kaabug-abog itong dukutin ng kakambal niya.

Nag-hire na siya ng tatlong imbestigador para ipahanap ang dalawa pero wala pa rin silang lead hanggang ngayon. Dismayado pa siya dahil wala man lang siyang maiambag na clue sa pinagtataguan ni Caleb dahil halos isang buwan pa lang mula nang bumalik ito sa bansa. Wala siyang alam sa mga pinaggagawa nito. He tried contacting some of Caleb's friends that he knew but they, too, didn't know that the latter was back in the country.

Frustrated na napasuntok siya sa manibela na ilang ulit na ring nagsisilbing punching bag niya at piping saksi sa mga nararamdaman niya. For the past days, he tried to be as calm as possible when dealing with the people he invited in his wedding. Isa-isa niyang tinawagan at hiningan ng paumanhin ang mga ito nang sabihin niyang hindi na matutuloy ang kasal. Hindi niya na nga lang nagawang sagutin kung bakit.

It was only his faith that he could take Gianna back and his dream to have a family with her once he found her were the only two things that kept him going every day.

Hold on, sweetheart. Because I will. Naibulong niya bago siya bumaba na ng kotse at nilandas ang daan patungo sa orphanage na kinalakhan ng babaeng nagpakilala sa kanya ng salitang pagmamahal sa ikalawang pagkakataon sa buhay niya. Pinilit niyang ngumiti nang agad na salubungin siya ng mga bata roon na alam niyang miss na miss na rin ni Gianna. The woman couldn't survive a day without seeing the kids... Mariin siyang napapikit.

Kasabay niyon ay hinayaan niyang pumasok ang mga mapapait na ala-ala sa kanyang gunita na pinilit niyang isiksik sa pinakamalalim na bahagi ng puso niya sa nakalipas na mga taon... ang kanyang nakaraan na sinikap niyang takasan ngunit heto at minumulto siya ngayon sa pamamagitan ng sariling kapatid...

Trapped in a Vengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon